May 23, 2025
Ricci Rivero tries acting in MMFF entry “Otlum”
Latest Articles Rodelistic

Ricci Rivero tries acting in MMFF entry “Otlum”

Dec 18, 2018

Finally pinasok na rin ng basketball player na si Ricci Rivero ang pag-aartista. Kabilang siya sa team ng UP Fighting Maroons. Naging popular ang UAAP player kaya naman maraming producer at taga-showbiz ang nagkainteres sa kaniya.

Ang mga tagahanga niya ang kumukumbinsi sa kaniya na pasukin ang pag-arte kaya naman napapayag siya basta hindi makakaapekto sa kaniyang pag-aaral at paglalaro. Suwerte pa niya dahil ang first movie na ginawa niya ay kasali sa Metro Manila Film Festival at bida agad siya.

Ito ay ang “Otlum” ng Horshoe Studios mula sa direksiyon ng kaibigang Joven Tan. Of course, sigurado nang papanoorin ito ng mga tagahanga ni Ricci na mas excited pa sa kaniya. 

Kabituin ni Ricci sa pelikula si Jerome Ponce na hindi puwedeng intrigahin ang dalawa dahil naging maganda ang naging working relationship nila habang ginagawa ang pelikula. 

Speaking of “Otlum,” ito ang sinasabing underdog sa mga entry this year sa MMFF dahil hindi siya galing sa malaking produksiyon at hindi rin kalakihan ang pangalan ng mga artistang kasama sa movie. 

Pero, baka biglang mangabog ito sa takilya dahil ito talaga ang masasabing horror film na maaabot ng masa dahil ang isang horror film na kasama sa festival ay may pagkaseryoso. 

Mananakot na ang pelikula sa December 25 sa mga sinehan nationwide. Bukod kina Ricci at Jerome, kasama rin sa movie sina Buboy Villar, Michelle Vito at marami pang iba.

Leave a comment