
“Magic On Ice” excites Filipino audience this Christmas
Pinabilib na ang millions of audiences sa US, Europe, Middle East, at Asia, palalamigin naman ang Smart Araneta Coliseum sa isang magical show “Magic On Ice,” simula December 25, 2018 hanggang January 1, 2019.
Si Steve Wheeler ang creator ng show. Ayon sa kanya, dapat abangan ng lahat ang show na ito.
“A unique combination of ice skating and magic. It combines the speed and the elegance, the power and beauty of ice skating with big, theatrical magic illusions,” saad nya.
Dagdag pa nya, “The audience will see lightning fast appearances, vanishes and transformations, beautiful levitations, death-defying escapes, and some real fun, interactive comedy numbers that involve members of the audience.”
Pinaghandaan at hindi ordinaryong show ang mapapanood sa kapaskuhan. Hindi rin daw sila nagdalawang isip na dalhin dito sa bansa ang ice show.
Ang “Magic On Ice” ang pinaka inaabangang ice show sa buong mundo. Masaya ang lahat sa pagbisita ng team ni Steve Wheeler sa bansa.
Sa isang segment ng show na magstart sa kapaskuhan, pipili ang performers ng show ng ilang mga bata mula sa audience upang mag participate.
Inaasahan ang makapigil-hiningang performances mula sa mga mahuhusay na ice skaters at magicians.
Pure talent ang ipapamalas nila hanggang January 1. At isa raw itong magandang regalo para sa mga mahal sa buhay ngayong pasko. Bonding na rin kasama ang mga bata sa pinaka maingay at makulay na pagcecelebrate ng Christmas.
“It’s not a kid show, it’s a show for everyone,” pagtatapos ng creator.
Para sa tickets, bisitahin ang ticketnet.com.ph.