May 25, 2025
Janine Gutierrez finds Enchong Dee funny
Latest Articles

Janine Gutierrez finds Enchong Dee funny

Jan 18, 2019

Hanggang ngayon, wala pa ring label ang relasyon ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez at rumoured boyfriend na si Rayver Cruz.

Gayunpaman, hindi naman niya ikinaila na espesyal sa puso niya ang binata.

Katunayan, kasama niya ito at ng kanyang pamilya nang magbakasyon sila noong Bagong Taon sa US  for seven days.

“Wala kaming ginawa kundi nanood kami ng basketball. Nanood kami ng laban ng Lakers. Actually, pang-turista lang talaga ang ganap namin sa LA,” kuwento niya.

Masaya rin siya dahil kasundo ng kanyang mga parents at kapatid na lalake si Rayver.

“Iyong kapatid kong lalake parang nagkaroon na siya ng Kuya kay Rayver. Pati kay Dad ang tawag niya Kuya Mon at Ate Lot naman kay Mom.  Parang nag-uusap lang sila ng magbarkada. It’s not being disrespectful pero ganoon talaga ang nakasanayan nila,” paliwanag ni Janine.

Sey pa niya, happy naman  siya sa estado ng relasyon niya with Rayver kahit wala pa itong opisyal na label. 

“Para sa akin, mas importante iyong kung paano kayo kaysa sa anumang label. May mga official nga na boyfriend-girlfriend pero may naririnig tayong hindi maganda at di sila masaya,” esplika niya.

Hirit pa niya, wala raw namang hadlang kung sakaling dadalhin nila sa ito sa next level ang kanilang relasyon, kahit pa sabihing naapektuhan siya noon sa breakup nila ng una niyang boyfriend na si Elmo Magalona.

“Dati noong una, I guess, parang pinipigilan ko lang ang sarili ko na maging seryoso uli., because of the past., pero ngayon, wala namang reason para mag-hold back,” pahayag niya.

Bibida si Janine sa Elise, ang kanyang first mainstream movie kung saan kapareha niya ang Kapamilya hunk actor na si Enchong Dee.

Pagbubunyag  pa niya, hindi raw ito ang unang beses na makatrabaho niya ang actor.

“Nagkatrabaho na kami sa Lila. Patayan kasi iyon at ibang-iba iyon sa movie namin ngayon. Actually, nakita ko ang difference noong karakter niya rito. Sobrang bumagay sa kanya ang role. Noong binasa ko nga ang script , may pagkanerdy-nerdy  pero sa totoong buhay, ibang-iba siya kay Enchong na maangas, magaling sumayaw, outgoing, madaldal. Na-discover ko rin na magaling palang magpatawa si Enchong,” tsika niya.

May kissing scenes daw sila sa pelikula pero wala raw naman silang naging ilangan ni Enchong.

“Si Enchong kasi, iba na iyong level of comfort  namin. Sanay na kami sa isa’t-isa. Kumportable na kami kaya naging madali ang trabaho namin,” pagwawakas niya.

Ginagampanan ni Janine ang role ni Elise, isang palaban at matapang na babae na first love ni Enchong.

Base sa tunay na buhay, tampok din sa Elise sina Victor Anastacio, Miko Raval, Miel Espinosa at Laura Lehmann.

Mula sa produksyon ng Regal Entertainment at sa direksyon ni Miko Livelo, palabas na ang pelikula sa buong bansa simula sa Pebrero  6 bilang pre-Valentine presentation.

Leave a comment