May 24, 2025
Bolder, wiser, sexier The One 690
Latest Articles

Bolder, wiser, sexier The One 690

Jan 22, 2019

Level up na talaga ang The One 690, ang tinaguriang “ultimate in quality men entertainment” na matatagpuan sa 39 Roces Avenue, Quezon City malapit sa Amoranto Sports Complex.

Sa pagbubukas ng taon, marami itong pasabog kasabay ng pagbabagong-bihis nito.

Trendsetter din ang nasabing entertainment bar na muling binuksan ng matagumpay na negosyanteng si Wilbert Tolentino (dating Mr. Gay World Philippines 2019) at ng kasosyo nitong si Genesis Gallios.

Maituturing na institusyon na sa paghahatid ng kakaibang palabas, ang The One 690 ay umabot na ng apat na dekada.

Una itong itinatag noong 1972 ni Boy Fernandez at pinamahalaan ni Raoul Herbosa.

Sa bagong management, nagkaroon din ng ebolusyon ang konsepto ng show.

Mula sa pagiging gay bar, naging tahanan ito ng mga world-class entertainers na binubuo ng mga gay impersonators, stand up comedians at siyempre mga seksi at gwapong male models na swak sa panlasa ng mga millennials.

Bukod sa mga paboloso at kamangha-manghang shows, nagbigay din ng bagong pamantayan ang nabanggit na entertainment bar pagdating sa pagbibigay ng aliw hindi lang sa mga kabadingan kundi pati sa mga kababaihan.

Katunayan, maraming ganap itong tulad ng girls night out at bridal showers na trending sa mga millennials.

Ito rin ang kauna-unahang gay entertainment bar na may billboard sa EDSA.

Bolder, wiser, sexier. Iyan ang bagong imahe ng The One 690.

May bago rin itong kapatid sa pagbibigay ng aliw: ang Apollo World Class Male Entertainment and KTV Bar na matatagpuan sa 717-B Roxas Boulevard, Paranaque City, malapit sa Baclaran.

Leave a comment