May 22, 2025
Liza Diño overjoyed with success of Pinoy filmmakers abroad
Latest Articles

Liza Diño overjoyed with success of Pinoy filmmakers abroad

Feb 8, 2019

Hindi man nakapasok sa short list ng Oscars ang Philippine entry na “Signal Rock” sa best foreign language film category ng 2019 Oscars, happy naman si FDCP Chair Liza Diño -Seguerra na isang Filipino-Canadian Pixar animator ang nominado sa best animated short film category ng  91st Academy Awards na gaganapin sa Pebrero 24 sa Dolby Theater sa Hollywood.

Siya ay si Trevor Jimenez na ang short film na “Weekends” ay umani na ng iba’t-ibang parangal at papuri sa mga international animation filmfests.

Ang “Weekends” ay kuwento ng isang batang lalakeng nagpapalipat-lipat sa bahay ng piling nga kanyang hiwalay na mga magulang. 

Halaw ito sa tunay na buhay ng director na lumaki at naranasang mamuhay sa ganoong setup.

Si Trevor ay nagsimula bilang story artist  sa mga blockbuster animated films tulad ng Ice Age: Dawn of the Dinosaurs, Rio, The Lorax, Finding Dory, Coco at Ralph Breaks the Internet.

Bukod kay Jimenez, isa pang Pinoy filmmaker ang patuloy na gumagawa ng pangalan sa international scene. 

Ito ay si Petersen Vargas na director ng Cinemaone Originals movie na “2Cool2Be 4Gotten.”

Siya ang kauna-unahang Pinoy na naging recipient ng Southeast Asia Fiction Film Lab (SEAFIC), isang intensive script development lab para sa mga Southeast Asian filmmakers kung saan bibigyan sila ng pagkakataong malinang pa ang kanilang sining sa loob ng walong buwan.

Ang napiling proyekto niya para sa SEAFIC ay ang “Some Nights I Feel Like Walking” tungkol sa pakikipagsapalaran ng apat na teenage runaways mula sa nakaririwasang pamilya.

Bukod pa riyan, maraming pang proyektong naka-line up si Chair Liza tulad na lamang ng film commission workshops para gawing film destinations ang iba’t-ibang tourist spots sa bansa tulad ng Bohol, Intramuros at iba pa.

Hindi rin mawawala ang Film Ambassadors’ Night na layuning bigyan ng pagpupugay ang mga filmmakers na bumubuo ng industriya.

Dahil nagdiriwang ang bansa ng Centennial Year of Philippine Cinema ngayong taon, marami pang  bonggang ganap tulad ng Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin sa Setyembre at  film markets para maisulong pa ang sining ng pelikula sa bansa.

Dagdag pa riyan, meron pang Southern Voices Film Lab, isang intensive script and development lab para sa Mindanaoan filmmakers at ang First Cut Lab, na layuning tulungan ang mga  Pinoy filmmakers na linangin pa ang kanilang mga talento.

Paiigtingin din ang FDCP registry system.

Nasa plano rin ang pagpapatupad ng box office online system and tracker na isang mabisang tulong para sa industriya para ma-monitor ang performance ng pelikulang Pinoy sa takilya at maging batayan kung anong klase ng pelikula ang tinatangkilik ng mga manonood na nag-iiba na ang panlasa.

May interagency partnerships din ang FDCP sa pamumuno ni Chair Liza sa Food and Drug Administration na layuning magbigay ng kaalaman sa mga manonood tungkol sa ligtas na pagkain, medisina, kosmetiko at iba pang kagamitang pangmedisina.

Itatayo na rin ang Film Archive na magsisilbing storage house para mai-preserve ang ating mga klasikong pelikulang Pinoy.

Leave a comment