May 23, 2025
Monsour del Rosario reacts to Erik Matti’s opinion on status of movie industry
Latest Articles

Monsour del Rosario reacts to Erik Matti’s opinion on status of movie industry

Feb 9, 2019

MANILA, Philippines—  May sagot ang Filipino Taekwondo Olympian at former action movie icon, na ngayon ay Congressman ng Makati na si Monsour del Rosario tungkol sa opinyon ni Erik Matti tungkol sa nakakalungkot na kalagayan ng Filipino film industry. 

May tatlo siyang punto:  “Naaalala ko nun, siguro 18 years ago, nagstart na bumagsak ang film industry – una dahil na rin sa piracy. Yung ilan sa ating mga kababayan, syempre sa halip na manuod sa sinehan, bibili na lang sila ng DVD sa mas murang halaga at paulit ulit pa nilang mapapanuod. Kaya hindi mo rin sila masisi. Pangalawa, mataas talaga ang taxes na binabayaran ng mga producers. So imagine mo, mag-invest ka sa isang pelikula tapos ‘di ka rin sure if maghi-hit. So bumabagsak ang kalidad ng mga pelikula. Dati uso pa yung mga action films pero ngayon wala nang gustong magproduce gaano kasi mahal— mahal ang magpasabog, mahal magpasara ng kalsada, mahal ang bala at mahal din magbayad ang mga stuntman, kaya nawala na rin ang mga aksyon films. Kaya ngayon halos pare-parehas na lang palabas – puro love-story, drama, comedy. Wala nang variation. Kaya hindi mo rin masisi ang mga tao if maghanap sila ng kakaiba.

Dagdag pa niya. “Pangatlo, halos na-monopilize na ng mga malls ang pagpapalabas ng mga sine. Dati may maliliit na independent movie houses. Halimbawa – dito sa isang sinehan puro mga drama, dito naman sa isa, puro mga aksyon o komedy.”

Sinabi pa niya na maraming mga artista ang masyadong mataas magpresyo. Ito naman ang kanyang advice:  “Kailangan talagang gumawa ng paraan upang solusyunan ang mga problema na ito. Bilang mambabatas syempre may mga priority tayo – unang-una para sa ating mga nasasakupan, pero tinitingnan din natin kung anong pwede nating maitulong para ibalik ang sigla ng local film industry.” 

Kasalukuyang tumatakbo bilang Vice Mayor ng Makati ang dating action movie icon kung saan abala siya sa mga tungkulin niya sa kanyang lokal na distrito.

Leave a comment