
Challenge sa akin, ‘yung matureness ng character—Liza Soberano
Kakaibang Liza Soberano ang mapapanood sa latest movie niya mula sa Star Cinema titled Alone/Together, na katambal niya rito ang ka-loveteam at boyfriend na si Enrique Gil.
Mature na kasi ang character niya, pinatanda siya rito bilang si Christine na isang 27 years old, na nagtatrabaho sa corporate world.
Kaya naman sa tanong sa kanya kung ano ang biggest challenge portraying the role, ang sabi niya, “I would say the biggest challenge para sa akin, ‘yung maturity ni Christine. Kasi I’m not at that point yet, and wala naman akong pinagdaanan katulad ng pinagdaanan niya para maka-relate ako on that level of things siguro.
“Pero while reading the script, nakatulong sa akin na.. kinilala ko talaga kung sino siya. And like…ang ginagawa ko, parang iniisip ko, what will I think if that would happen to me? So parang..that’s how it was able to help me. Basta ‘yun po ‘yung pinaka-challenge sa akin, ‘yung matureness ng character.”
Ano ang kaibahan ng Alone/Together sa huling pelikulang ginawa nila ni Enrique na My Ex and Whys?
“Ang difference ng movie na ‘to sa My Ex and Whys, well, My Ex and Whys kasi was a romcom (romantic-comedy), this one is a bit heavier I would say, and a bit more mature when it comes to different emotions and ‘yung pinagdadaanan ng characters namin. And ang masasabi ko lang, handa na akong masaktan this Valentines Day,” natatawang sabi pa ni Liza.
Ang direktor ng Alone/Together ay si Direk Tonet Jadaone, na fist time lang na nakatrabaho ni Liza.
Natutuwa siya na nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang lady director.
“It was really fun. It was a lot of fun, kasi, she’s very chill, very relax. At na-appreciate ko na binigyan niya kami ng freedom to immerse sa aming role. She said, that’s trust. But it was a guided freedom.”
Aminado si Liza na may pressure siyang nararamdaman na ipapalabas na ang kanilang pelikula.
“I do feel the pressure right now. Each and everytime naman po na gumagawa ako ng isang pelikula, napi-pressure ako, kasi alam ko naman that people have to pay to watch the movie.
“And of course gusto ko, nasusulit nila yung bayad nila ‘pag nanonood sila. Lahat naman kami ‘pag ginagawa namin ang isang pelikula, we always do our best. Pero siyempre lahat ng tao may iba’t-ibang opinyon, and hindi naman maiiwasan na isipin ‘yung mga opinyon nila. So ayun, I do feel the pressure.”
Showing na today, February 13 ang Alone/Together.