
M Butterfly did not disappoint Iloilo city
Nagsimula nang lumipad ang M Butterfly sa Iloilo at naging succesful ito na ginanap sa SM City Iloilo Cinema 6 noong February 14. Tuwang-tuwang mga kababayan nating Ilonggo sa nasaksihan nilang palabas. Ito ay isa lamang sa provincial tours ng napakagandang play na pinagbibidahan ng kilalang stage and film actor na si Raymond Francisco.
Pagkatapos sa Iloilo iikot din ang M Butterfly sa Davao, Dumaguete, Baguio, Cebu at sa marami pang probinsiya sa Pilipinas. Gusto kasi ni Raymond ay hindi lamang mga taga-Maynila ang makapanood kundi buong Pilipinas na rin.
Kaya, pakiabangan ang mga announcement sa mga araw at oras ng palabas sa mga provincial tours nito. Hindi masasayang ang perang ipambibili ng tiket para panoorin ito. Bukod kay Raymond, kabilang din ang mga magagaling na aktres at aktor sa entablado na bumubuo sa naturang play. Ang gagaling nilang lahat!
*****
Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming-maraming salamat po sa lahat nang dumalo, nakiisa at sumuporta sa kauna-unahang proyekto ngayong taong ito ng Philippine Movie Press Club (PMPC), ang ‘Valentine’s Treat With The Elders’ na ginanap noong , ika-15 ng Pebrero, 2019, sa GRACES (Home For The Aged), Quezon City. Ito ang unang proyekto bilang bagong pangulo ng PMPC na si Sandy Mariano na isang malaking tagumpay.
Siyempre, ito ay bunga ng group effort, nagtulung-tulong ang lahat — mula sa masisipag na Officers, Members, at Special Project Committee na nakiisa sa layuning makapagbigay ng kawanggawa at kasiyahan sa mga lolo at lolang walang matatawag na pamilya na namamahay sa isang institusyon.
Nakiisa ang buong pamunuan at mga miyembro ng PMPC sa pagbibigay ng donasyon — naghandog ang marami sa amin ng mga damit, kumot, bigas, pagkain, etc, etc — lahat ay sa iisang adhikain: to share the love with these senior people!
At siyempre, gusto naming pasalamatan ang mga taong may malalaking puso who supported us katulad nina Kris Aquino, direk Perci Intalan and direk Jun Lana of IdeaFirst, Ms. Rhei Tan of Beautederm, Vice Gov. Daniel Fernando, Mommy Pinty Gonzaga, Congressman Monsour del Rosario, Belladonnas & Clique V of 3:16 Events and Talent Management, Cristy Fermin, Manny Valester, Kim Atienza, Engr. Roberto Concepcion, Willie Ortega, Yasmien Kurdi, Arnold Clavio, Jannah Zaplan, Albert Chikaness, Jim Estrabella, Ms. Lorna Tobias, Ms. Nilda Tuason of Halimuyak perfume & sanitizers and Joel Cruz of Aficionados.
Ang pamunuan ng PMPC ay pinangungunahan ng Presidente naming si Sandy Mariano at ng masisipag na opisyales na sina Fernan de Guzman, Mell Navarro, Rodel Fernando (ang inyong lingkod), Boy Romero, Blessie Cirera, Francis Simeon, Leony Garcia, Timmy Basil, Mildred Bacud, Joe Barrameda, Eric Borromeo, Roldan Castro, Lourdes Fabian at Rommel Placente.
Gusto rin naming pasalamatan ang mga guest singers na nagpasaya sa mga lolo at lola, ang mga grupong Belladonnas at Clique V at solo singer na si Maricar Aragon.
Hanggang sa susunod na proyekto!