
Ara Mina helps younger co-star in ‘Immaculada’ sex scene
Kontrobersyal ang tema ng “Immaculada: Pag-ibig ng Isang Ina” dahil tumatalakay ito sa kakaibang pag-ibig ng isang ina sa kanyang anak kaya napakalaking hamon ito sa award-winning actress na si Ara Mina.
“Very controversial iyong story. It’s my first time to do this na ganitong story,” sey ni Ara.
Bagamat may masho-shock daw sa kuwento ng pelikula na tungkol sa incest, may pinagbatayan daw naman ang director nitong si Arlyn de la Cruz dahil base siya sa mga tunay na pangyayari.
“Honestly, kasi very conservative ang mga Pilipino about it. Hindi ko rin naman tino-tolerate na mangyari iyon. I’m a mom also though babae ang anak ko. Iyong story kasi true to life siya. Siguro ang sa akin lang, kung maiiwasan, iwasan na huwag matukso.Kasi, kumbaga, pumapasok minsan iyong loneliness factor,” paliwanag niya.
“Kaya nga ako, kahit single mom ako, pinagkakaabalahan ko ang sarili ko mag-business, na maging busy ako sa ganito at ganyan, kasi kapag busy ka, hindi mo maiisip ang mga iyon,” dugtong niya.
Aminado rin siyang siya ang nagbinyag kay Akihiro Blanco sa kanilang mga love scenes sa pelikula.
Si Akihiro kasi, ang parang nangyari, ako iyong nag-guide sa kanya and of course, ilang love scenes na rin kasi ang nagawa ko sa mga pelikula ko. So, dito, I guided him,” kuwento niya.
Ibinahagi rin niya ang naging karanasan ng kanyang co-actor habang ginagawa ang mga maseselang eksena.
“Nanginginig at malamig ang mga kamay niya, compared sa mga ka-age ko o mas matanda sa iyo, na mas aggressive. Hindi niya alam kung paano ako hahawakan. So, I made sure na maging komportable siya,” pahayag ni Ara.
Hirit pa niya, ayaw din daw niyang husgahan ang karakter niya bilang Elenita.
“I have nothing against sa mga babae na naa-attract sa younger man, kasi marami ring younger men na nagkakagusto sa older women. Na-experience ko rin na may nagkagusto rin sa aking younger men as in sobrang bata talaga,” esplika niya.
Relevant din daw ang kuwento ng nasabing obra ni Arlyn dela Cruz dahil halaw ito sa mga tunay na mga pangyayari.
“Based siya sa true story na na hindi lang na-sensationalize, kasi nga, conservative ang mga Pilipino. Sana, ma-appreicate nila iyong movie dahil may mga moral lessons siya,” ani Ara.
Sobra rin daw na-challenge siya at napagod sa kanyang role.
“Grabe iyong naging emosyon ko, lalo na roon sa breakdown scene ko. Nilagay ko talaga ang posisyon ko roon sa karakter. Very challenging siya kung paano ko iaakting. Kasi nga, first time mom ako at hindi ko pa na-experience sa tunay na buhay iyong nangyari sa karakter ko dahil wala pa akong anak na lalake,” pagwawakas ni Ara.
Sey pa ni Ara, gusto niyang subukan na gumawa ng romcom o isang May-December love affair na may hugot.
Mula sa Blank Pages Production, tampok din sa “Immaculada: Pag-ibig ng Isang Ina” sina John Estrada, Elizabeth Oropesa, Akihiro Blanco, Elijah Canlas at marami pang iba.
Ang “Immaculada: Pag-ibig ng Isang Ina” ang naging opening film ng 4th Singkuwento International Film Festival na brainchild ni Perry Escaño.