
Charo Santos commends Bea Alonzo, director Mikhail Red
Sa horror film na Eerie mula sa Star Cinema, ay sina Bea Alonzo at Ms. Charo Santos-Concio ang mga bida rito. First time na nagkatrabaho ang dalawa. At puring-puri ng huli ang una.
Sabi ni Ms. Charo tungkol kay Bea, “Bea was only 13 years old when I met her. At talagang nasundan ko ang kanyang career bilang isang artista, at isa siya sa mga hinahangaan ko sa mga kabataang artista.
“So you know, I felt so excited. I really looked forward to working with her. She’s very intelligent, intuitive and a generous actress. And you know, she works hard, I mean talagang she comes to the set prepared. Pero hindi naman ‘yung talagang ano na..’pag break naman, nagbi-break din naman siya from her character.
“She’s a true professional. Her attitude towards her craft is admirable.”
Ang direktor ng Eerie ay si direk Mikhail Red, na first time ding nakatrabaho ni Ms. Charo. At gaya ni Bea, puring-puri niya rin ito sa pamamaraan ng pagdidirek.
”direk Miks story board the entire film. Talagang nagbigay siya ng panahon to do pre-production. So kaming mga artista, we had to come to the set prepared. You know, memorize our lines. Kasi talagang may shot list siya for everything.
”Parang he had a movie in his mind already, even before the first day of shooting. So ’yung set namin very organize, very efficient. ‘Pag nagtanong ka, mga more or less, anong oras tayo mapa-pack up, nasasabi nila, because he timed, he timed them. And the shoot was, I think chronological, more or less, Sinunod niya ‘yung sequencial narrative.”
Sa Eerie ay gumaganap si Ms. Charo bilang si Sor Eliche sa isang Catholic school. Ayon sa kanya, na-appreciate niya ang kanyang character.
“Talagang na-appreciate ko ‘yung character ni Sor Aliche, kasi nag-aral din ako sa isang eksklusibong paaralan para sa mga kababaihan that was run by nuns. So alam ninyo naman yung mga pinapatupad na guide posts ng nagpapatakbo ng institusyon and minsan, ‘yung guilt minsan ang nagmo-motivate ng behavior mo ‘pag bata ka.
“Kasi may patakaran, tapos pag di mo nasunod may corresponding punishment. And pag bata ka pa, hindi mo pa naiintindihan ‘yung lawak ng mundo so may appreciation ako sa struggle ng isang babae na nanggaling sa very traditional na upbringing.”
Ang unang pelikulang ginawa ni Ms. Charo ay ang ‘yung “Itim” na isa ring katatakutan.
Ipinalabas ito noong 1976. Sa pelikulang ito, ay nagwagi siya bilang Best Actress sa Asian Film Awards, dahil sa mahusay niyang pagganap dito bilang si Teresa.
Ngayong gumawa muli ng horror film si Ms. Charo, manalo kaya siyang muli ng acting award?
“What can I say? I just gave my best,” sagot ng aktres.
Dagdag niya, “Alam ninyo naman, kanya-kanyang mata ‘yan (ang jurors ang tinutukoy niya). Kanya-kanyang mga perspektibo yan, ‘di ba? Wala sa aming mga kamay.”
Ang Eerie ay showing na sa March 27 nationwide.