May 23, 2025
Bea Alonzo gains body confidence through boyfriend Gerald Anderson
Latest Articles

Bea Alonzo gains body confidence through boyfriend Gerald Anderson

Mar 5, 2019

Para sa movie queen of her generation na si Bea Alonzo, malaking bagay ang support system na ibinibigay ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson para madagdagan ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili.

Dati kasi, hindi kumportable si Bea na nagpo-post ng kanyang sexy picture sa kanyang social media account. 

Aminado naman kasi siya na noong bago pa lang siya sa showbiz ay naging biktima rin siya ng body shaming.

“I was tagged as fat, so nag-suffer ako roon. Malaking ibinago noon sa personalidad ko. Honestly, dumating ako sa punto na kinuwestiyon ko ang sarili kung maganda ba ako o hindi,” aniya.

“Now, I want to forget about how I hated myself for being ‘fat’ in other people’s eyes and just remember the things that I love about my body. It’s the only body I am blessed with and I am thankful for my health because I can do things that make me happy,” sey pa niya.

Ngayon, kumportable na siya sa kanyang hitsura at kung nag-post man raw siya ng kanyang sexy photos in a bikini sa kanyang social media account, ito ay dahil gusto raw niyang i-promote ang body positivity at maging inspirasyon sa mga taong dumaraan din sa mga naging kalagayan niya noon.

“I want to inspire other people. Kasi, growing up, I suffered from that before. It is time to get back that I know better. Gusto kong ma-inspire sila and to be proud of their bodies,” aniya.

Kaya naman, suportado niya si Gerald  na isang health buff sa mga endeavours nito tulad na lamang ng pagbubukas nito ng bagong gym.

Common denominator kasi ang couple ang pagiging health conscious.

“Lahat nga ng oras niya, binuhos niya sa kanyang business venture niyang iyon. Sana magtagumpay siya kasi ako naniniwala rin ako sa advocacy na magkaroon ng magandang pangangatawan iyong mga tao through his health, through his gym,” pagbabahagi niya.

First time mapapanood ni Bea sa isang horror film dahil aminado siyang takot na gumawa ng horror films.

Takot daw siya sa dilim pero nang mabasa niya ang iskrip ng Eerie at nalaman niyang no less than Asia’s best actress na si Ms. Charo Santos ang makakasama niya, hindi na raw siya nagdalawang-isip pa.

Sa pelikula, ginagampanan niya ang papel ni Pat, isang modernong guidance counsellor sa isang exclusive girls’ school na mas naniniwala sa siyensiya kesa sa makalumang paniniwala ng simbahan.

Magcla-clash ang kanilang ideolohiya ng istrikto at old-school nun na si Sor Alice na ginagampanan ni Charo, na pinaghihinalaang suspek sa pagpapatiwakal ng isang estudyante sa nasabing paaralan.

“Very close ang material sa kabataan ko since I also studied in a catholic school na may urban legend talaga about a student na nag-suicide sa loob ng CR,” sey niya.

“Marami namang ganyang kuwento sa mga eskwelahan kaya young students will be able to relate at magtatakutan sila while watching our movie,” dugtong pa niya.

Hindi rin niya ikinaila na kinabahan siya noong unang makaeksena niya ang dating ABS-CBN at ngayon ay ABS-CBN Chief Content Officer. 

“It’s a dream come true for me,” pahayag niya. 

“Siempre, intimidated ako noong una because of her stature. But I quickly felt comfortable with her kasi nakikipagkuwentuhan talaga siya. Not the type na alam mong small talk lang but you can feel na sincere talaga siya and she’s really listening to you. She turned out to be very friendly and approachable,” pagwawakas niya.

Mula sa direksyon ni Mikhail Red (Birdshot, Neomanila), tampok din sa Eerie sina Jake Cuenca, Maxene Magalona, Mary Joy Apostol at marami pang iba.

Nag-premiere ito sa Singapore International Film Festival noong Disyembre kung saan pinalakpakan ito at pinuri ng mga kritiko at international audience. 

Palabas na ito sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Marso 27 at may simultaneous screenings sa Brunei, Singapore, Malaysia at Brunei. Ipalalabas din ito sa Vietnam, Myanmar at Cambodia

Leave a comment