May 22, 2025
No need to profile check ‘Eerie’ director says Charo Santos
Latest Articles

No need to profile check ‘Eerie’ director says Charo Santos

Mar 7, 2019

Puring-puri ng Asia’s best actress na si Charo Santos-Concio ang kanyang ”Eerie” director na si Mikhail Red na siya ring gumawa ng “Birdshot” at “Neomanila.”

Hirit pa niya, hindi na niya kailangang gumawa ng matinding background check para kilatisin si Mikhail dahil unang pagkikita pa lang nila ay na-impress na raw siya rito at sa kuwento ng kanilang horror movie.

Hindi rin daw sinadya na si Mikhail na hawig sa pangalan ng master director na si Mike de Leon (na nagbigay sa kanya ng kauna-unahang international best actress award sa Asia Film Festival noong 1977 sa klasikong pelikulang Itim)ang  napiling director ng kanyang comeback film sa ganoong genre ngayong taon.

Pahayag pa niya, hindi  rin siya umaasa na mananalo siya ng award sa kanyang pagganap sa bagong pelikula, bagamat marami ang nagsasabi na ang performance niya ay worthy of a nomination.

“I  just gave my best. Alam mo naman, kanya-kanyang mata iyan. Kanya-kanyang perspektibo,” sey niya.

Pagkukumpara pa niya, napabilib daw siya sa pagiging metikuloso at organisado ni Mikhail tulad ni Direk Mike na ang bawat eksena ay may storyboard.

“Actually, in my first movie, Itim, Mike de Leon  had a shotlist. So, makikita mo sa script niya in  one sequence kung ilan ang  camera setups. Kung titingnan mo, he also storyboarded Itim. The next horror film, he  also storyboarded it, because ang horror kasi, dapat kasi timing iyong mga elements. Dapat alam na alam nila from the audio to the shots , iyong set up mo to the jump scares. Dapat klarong-klaro pati rhythm, so I think its’s very important to really prepare for a  horror genre,” paliwanag niya.

Kahit marami ang nai-intimidate na makatrabaho si Charo dahil sa kanyang galing at naging posisyon sa ABS-CBN, ayaw daw niyang maging uncomfortable ang kanyang mga kaeksena kabilang na ang mga  mga baguhan.

“It reminds me of the time when I got the chance to work with the likes of Vic Silayan and Charito Solis. More than the intimidation, iyong paghanga mo sa kanila, then you realize habang nagsho-shooting kayo, lahat naman tayo nagkakasama dahil this is a collaborative effort and you get to discover the person behind the actress,” esplika niya.

All praises din siya sa kanyang co-star na si Bea na nasubaybayan niya ang karera sa Kapamilya network.

“Bea was only 13 when I met her. Talagang nasundan ko ang kanyang career. Isa siya sa mga hinahangaan ko sa mga batang artista natin. I felt so excited. I really look forward to work with her. I really look forward to work with her. She’s a very intelligent, intuitive and generous actress. She comes to the set prepared. She’s a true professional. Her attitude towards her craft is admirable,” papuri niya kay Bea.

Malaking hamon naman sa kanyang  kakayahan ang  role niya  bilang Sor Alice sa nasabing obra ni Red.

“Sumusunod siya sa dogma ng kanyang institusyon. Napakahalaga noon na sumusunod siya sa mga kalakaran ng kanyang institusyon, pero para siya rin ay isang  tao at meron din siyang pang-unawa sa sangkatauhan. 

“She’s a morally ambiguous character. Conflicted siya. Parang her hands are tied. Galing siya sa ganoong  henerasyon , sa ganoong paniniwala na kailangang ipatupad ang mga bagay-bagay sa  kanilang paaralan.  

“Ang tingin niya, ang  responsibidad niya ay kailangang  tuwid ang  mga estudyuante hindi  lang sa  paniniwala niya sa sociedad  pero, meron  din siyang pang-unawa sa kahinaan ng tao. 

“She’s a very conflicted character but at the end, siyempre, alam niya kung saan siya, may  katungkulan siya, may responsibilidad siya sa institusyong kinabibilangan niya at iyong ang kagandahan, it’s not black or white which makes her human o kung ano ang totoo,” pagwawakas niya.

Ang “Eerie” ay tungkol sa misteryo sa likod ng sunud-sunod ng pagkamatay ng Sta. Lucia Academy, isang all-girls Catholic high school.  

Sa kagustuhan ni Pat (Alonzo), isang guidance counsellor na lutasin ang kaso, paghihinalaan niya ang punong gurong si Sor Alice. (Santos)

Ang key witness na makapagbibigay ng kasagutan sa hiwagang ito ay ang multo ni Eri, isang estudyanteng nagpatiwakal sa loob ng eskuwelahan mahigit sampung taon na ang nakakalipas.

Bukod kay Bea, tampok din sa pelikula sina Jake Cuenca, Maxene Magalona-Mananquil, Gillian Vicencio, Mary Joy Apostol at Gabby Padilla.

Mula sa produksyon g ABS-CBN Films-Star Cinema at Cre8 Productions, ang Eerie ay palabas na sa mga sineahan sa buong bansa at sa mga karatig na bansa sa Southeast Asia sa Marso 27, isang pambihirang pagkakataon para sa pelikulang Pilipino.

Leave a comment