May 23, 2025
QCinema 2019 Asian Next Wave grantees announced
Latest Articles

QCinema 2019 Asian Next Wave grantees announced

Mar 18, 2019

Inanunsyo na ng QCinema International Film Festival (QCinema) ang tatlong mapalad na filmmakers na pasok sa Asian New Wave (ANW) competition ng nasabing film festival na gaganapin sa Oktubre.

Ang mga ito ay ang Kaaway sa Sulod ni Arnel Barbarona, Babae at Baril ni Rae Red at Cleaners ni Glenn Barit.

Si Arnel Barbarona ang award-winning director ng Tu Pug Imatuy at Riddles of my Homecoming.

Si Rae Red ay isang magaling na screenwriter at naging co-director ni Fatrick Tabada sa Cinemaone Originals movie na Si Chedeng at si Apple.

Si Glenn Barit naman ay acclaimed director ng mga short films na Aliens Ata at Nangungupahan.

Ang Kaaway sa Sulod ay kuwento ng dalawang babae, isang army officer at guerilla fighter na sa kabila ng ideolohiyang ipinaglalaban ay natagpuan ang koneksyon sa isa’t isa.

Ang Babae at Baril ay tumatalakay naman sa pakikipagsapalaran ng isang sales lady sa isang department store na nagsawa na sa pagiging underdog at kung paano binago ang buhay niya ng karahasan.

Ang Cleaners ay pumapaksa naman sa buhay ng mga istudyante mula sa isang high school cleaners group na naiipit sa pangangaila ng kanilang trabaho at pagkamulat sa karumihan ng mundo.

Ang tatlong filmmakers ay bibigyan ng production grant na nagkakahalaga ng P1.5 milyon para i-develop ang kanilang mga proyekto.

Ang kanila ring mga pelikula ang magtutunggali sa Pylon Awards para sa Best Picture, Best Actor, Best Actress, Best Screenplay at Best Artistic Achievement, at maging sa mga kategoryang NETPAC Jury Prize at Gender Sensitivity Prize.

Ang QCinema  2019 ay nakatakdang idaos mula Oktubre 13 hanggang 22, 2019 sa mga piling sinehan sa Metro Manila.

Leave a comment