May 22, 2025
Gelli, Bayani naughty and relatable in ‘Pansamantagal’
Latest Articles Rodelistic

Gelli, Bayani naughty and relatable in ‘Pansamantagal’

Mar 21, 2019

Palabas na sa mga sinehan ang pelikulang “Pansamantagal” na pinagbibidahan nina Gelli de Belen at Bayani Agbayani. Kakaibang romantic comedy film ito kung saan maraming mga eksena ang nakakagulat na hindi ginawa ni Bayani o ni Gelli sa mga nagawa na nilang pelikula. 

Ayon sa direktor ng movie na si Joven Tan, matapang at nakakaintriga ang mga dayalog sa pelikula pati ang mga salitang ginagamit. Bukod pa sa mga malulutong na murang lumalabas sa bibig ni Gelli.  But of course, kailangan talaga ito sa pelikula lalo na sa role ng aktres na isang kabit. 

Siyempre, ang selling point naman ng pelikula bukod sa first time na magsama sa movie sina Gelli at Bayani ay nakakaaliw naman talaga ito at may iiwang magandang mensahe sa mga manonood. Isa pa, Graded B ito sa Cinema Evaluation Board o CEB. 

Siyangapala, parehong  nag-enjoy ang dalawang bida habang ginagawa ang pelikula. Sey ni Gelli, napagod daw siya kay Bayani dahil sa daming kuwento nito habang nasa shooting sila. Ang saya-saya raw sa set. 

Habang si Bayani naman ay puring-puri niya si Gelli sa pagiging professional at mahusay niyang artista. Sana raw ay hindi ang Pansamantagal ang magiging huling project nila together. Idinagdag pa niya na ang sarap daw katrabaho ng misis ni Ariel Rivera.

Leave a comment