May 22, 2025
Sen. JV Ejercito: Dalawa ‘yung landmark bills ko, naging law
Latest Articles

Sen. JV Ejercito: Dalawa ‘yung landmark bills ko, naging law

Mar 21, 2019

Natutuwa si Sen. JV Ejercito na napirmahan na ni Pangulong Rody Duterte ang dalawang landmark bills na ipinasa niya.

“Medyo happy naman ako at least after I finished my first term (as senator), ay at least dalawa ‘yung landmark bills ko, naging law, ‘yung Universal Health Care Law at Creational Department of Human Settlements or Housing,” sabi ni Sen. JV.

Patuloy niya, “Alam ninyo, sa legislator, bihira ‘yung makapagpasa ka ng tinatawag na landmark legislation. Eto dalawa, one after the other.”

Ano naman po ang benepisyo nito sa mga manggagawa sa pelikulang Pilipino?

“Well, ‘yung Universal Health Care ibig sabihin bawat Pilipino, lahat ay covered na ng National Health Insurance. Lahat tayo, ibig sabihin, makakatanggap na ng ayuda o assistance in case na mangailangan.”

Pati mayayaman?

“Mayaman, mahirap, basta Pilipino. Dati kasi kung sino lang ang member. Pero ngayon pati ang senior citiezens, pati ang PWD’s, pati ang mga indigent will now be automatically covered by Phil Health.

“Ang maganda pa rito, itataas din natin ‘yung benefits. Pagsasama-samahin natin ‘yung pondo ng Philhealth, PAGCOR,  PCSO at DOH into one general universal health care fund.

“Tapos pati check-ups ngayon at basic laboratory test will now be covered by Philhealth, so libre na rin ang check-ups.”

Samantala, tumatakbo muli sa senatorial race si Sen. JV. Aminado naman siya na mababa ang ratings na nakukuha niya sa mga surveys na isinasagawa ng Pulse Asia, ‘yun ay dahil daw sa wala siyang TV ads unlike others.

“From day 1 nung nag-start ‘yung campaign, zero TV ads ako, eh. Wala akong political ads, kaya talagang apektado, bumaba talaga ako (sa rating) from nasa top 8, 9 ako, biglang bumaba.

“Sa totoo lang, I have to be honest, nahirapan din akong mag-raise ng funds. Mahirap paniwalaan pero totoo. Pero now, meron na kaming konting political ads, after almost half-way through na.

“So hopefully malaman ng tao ‘yung performance natin lalo ‘yung Universal Health Care.

“I thnk I do improve, kasi ngayon pa lang going on second week pa lang ‘yung ads ko. So from day 1, until last week talagang zero ako.

“Iba e, kapag wala ka sa TV, nawawala ka sa top of mind. Masyadong depende ang senate sa top of mind.”

Leave a comment