May 23, 2025
Sylvia Sanchez’s acting impressed Sinag Maynila
Latest Articles

Sylvia Sanchez’s acting impressed Sinag Maynila

Apr 8, 2019

Sa simpleng awards night na ginanap sa Conrad Hotel sa Paranaque, inanunsyo na ang mga nanalo sa 2019 Sinag Maynila filmfest.

Waging best actress ang magaling at multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez para sa pelikulang Jesusa kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang martir na ina na napariwara dahil sa droga.

Ka-tie niya si Angela Cortez ng Jino To Mari sa nasabing kategorya.

First time namang manalo ng best actor ang Kapuso artist na si Nar Cabico para sa Akin ang Korona.

Iprinoklama namang best picture ang Pailalim (Underground) ni Daniel Palacio na siya ring tinanghal bilang best director.

Nanalo ring best full-length feature film ang San Sebastian filmfest winner na Pailalim samantalang nakopo ng Jesusa ang Special Jury Prize.

Panalo naman sa best short film category ang Panaghoy ni Alvin Baloloy.Nasa second place ang Memories of the Rising Sun ni Law Fajardo samantalang nakapuwesto sa third place ang Ngiti ng Nazareno ni Louie Ignacio.Special citation prize naman ang ipinagkaloob sa Marian ni Brian Patrick Lim.

Tinanghal namang best documentary film ang Entablado nina Lie Rein Clemente at Nori Jane Esturis.

Heto ang kumpletong listahan ng mga nagwagi.

Best documentary- Entablado(Lie Rein Clemente and Nori Jane Esturis

Short film category:

Special Citation-Marian (Brian Patrick Lim)

3rd place-Ngiti ng Nazareno(Louie Ignacio)

2nd place-Memories of the Rising Sun (Law Fajardo)

1st place-Panaghoy(Alvin Baloloy)

Best sound- Junel valencia(Persons of Interest)

Best musical score-Richard Gonzales (Jino to Mari)

Best production design-Cyrus Khan(Jesusa)

Best editing-Diego Marx Robles(Pailalim)

Best cinematography-Rommel Sales(Pailalim)

Best screenplay-Joselito Altarejos at john Bedia (Jino To Mari)

Box office award-Jino To Mari

SM People’s Choice award-Akin ang Korona

Best director-Daniel Palacio(Underground)

Best actor-Nar Cabico (Akin ang Korona)

Best actress-Sylvia Sanchez (Jesusa) at

Angela cortez(Jino To Mari)

Special Jury Prize-Jesusa

Best Picture-Pailalim

Ang mga kalahok sa 2019 Sinag Maynila filmfest na brainchild ng internationally acclaimed director Brillante Mendoza at Solar Films big boss Wilson Tieng ay mapapanood pa sa piling SM cinemas at sa Gateway cineplex hanggang Abril 9.

Pagkatapos nito ay ipapalabas din sila sa mga piling microcinemas sa Kalakhang Maynila.

Leave a comment