May 25, 2025
Celebrity winners, losers in 2019 midterm elections
Latest Articles

Celebrity winners, losers in 2019 midterm elections

May 15, 2019

Sinu-sino ba ang ilan sa mga artistang pinalad na manalo at hindi sinuwerteng manalo sa katatapos lang na 2019 mid-term elections, na ginanap noong Lunes, May 13, 2019?

Ang isa sa pinalad na manalo ay si Isko Moreno. Hindi na kami nagulat sa pagkapanalo niya sa mayoralty race sa Manila. Alam naman kasi namin noong una pa lang, na siya ang mananalo, na tatalunin niya ang mga nakatunggali niya, ang dating presidente ng Pilipinas at incumbent mayor ng Manila na si Joseph Estrada, at dating mayor ng Manila na si Alfredo Lim.

Base kasi sa mga surveys before para sa pagka-mayor, laging si Isko ang leading, at sa mga nakakausap namin na Manileño, marami sa kanila ang nagsabi sa amin na si Isko ang kanilang iboboto. Ang actor-turned politician daw kasi ang tunay na anak ng Manila. Ipinanganak at lumaki raw kasi ito sa Tondo, at hanggang ngayon ay doon naninirahan.  

Sa pagkapanalo ni Isko, alam naming tutuparin niya ang lahat ng ipinangako niya during campaign period. Kilala namin si Mayor Isko, na hindi lang siya basta salita, kundi may gawa. 

Sisigaduhin niya na hindi nagkamali ang Manileño sa pagboto sa kanya bilang bagong mayor ng Manila.

Isa pang artista na pinalad na manalo ay ang award-winning actress na si Vilma Satos.

Wagi na naman siya bilang representative ng Sixth District ng Lipa City. Tinalo niya ang katunggaling si Meynard Sabili. Bale ito ang ikalawang term na ni ate Vi bilang representative ng Sixt District ng nasabing lalawigan.

Mula nang pumasok sa pulitika si ate Vi ay hindi pa siya natatalo sa eleksyon. Una siyang tumakbo bilang mayor ng Lipa noong 1998, at sa unang sabak niya sa politika ay win na agad siya.

After ng kanyang tatlong termino bilang mayor, tumakbo naman siya bilang gobernador ng Batangas at win pa rin siya.

Nang matapos ang kanyang ikatlo at huling termino, tumakbo at nanalo si ate Vi bilang representative naman ng Lipa City, Batangas.

Win din ang actor na si Dan Fernandez bilang congressman sa lalawigan naman ng Laguna.

Hindi ito ang first time na naging congressman si Dan. After niyang matapos ang tatlong termino bilang congressman sa Unang Distrito ng Laguna, ay tumakbo siya bilang mayor ng Sta Rosa Laguna,at nanalo siya. Bale balik-congressman lang si Dan.

Ang incumbent congressman ng 5th district ng Quezon City na si Alfred Vargas ay wagi muli bilang congressman. Nakakuha siya ng pinakamataas na botong 132,047 against sa mga nakatunggali niyang sina Lito Francisco, Rey Miranda, Joel Miranda, at Tol Francisco.

Mahal na mahal talaga si Alfred ng kanyang constituents, na isa na kami roon, dahil taga-Novaliches kami.

Pinalad ding manalo ang dating Vice-Governor ng Bulacan na si Daniel Fernando nang tumakbo ito sa governatorial race. Tinalo niya ang incumbent mayor ng Malolos, Bulacan na si Mayor Christian Natividad.

Ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, ay panalo rin. Si Richard, na incumbent mayor ng Ormoc City ay siya pa rin ang pinili ng kanyang constituents na manatiling mayor ng nasabing lalawigan, at si Lucy bilang incumbent congresswoman naman ng 4th district ng Leyte ay siya pa rin ang ibinoto ng kanyang constituents.

Ang isa sa host ng It’s Showtime na si Jhong Hilario ay wagi naman bilang konsehal sa First District ng Makati.  Siya ang nanguna, na nakakuha ng botong 90,525.

At sino naman ang ilan sa mga hindi pinalad na manalo?

Isa na rito ang tatay ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla, na tumakbo sa pagka-kongresista sa First District ng Nueva Ecija.

Hindi rin pinalad ang mga komedyanteng sina Roderick Paulate at Long Mejia. Natalo si Roderick sa vice-mayoralty race sa Quezon City, na ang nanalo ay ang anak ni Sen.Tito Sotto na si Gian Sotto. Si Long naman na tumakbo sa congressional race sa First District ng Camarines Sur, ay tinalo ni Marissa Andaya.

Isa pang hindi sinwerte na manalo sa pagka-congressman sa First District ng Cebu City ay si Richard Yap, na sobrang dismayado sa kanyang pagkatalo sa kalukuyang congressman na si Raul del Mar.

Ang dating matinee idol na si Gary Estrada ay natalo rin sa pagtakbo naman niya bilang Vice-Mayor ng Cainta. Tinalo siya ni Ace Servillon..

Kung si Vilma Santos ay nanalo bilang Congresswoman, ang dati naman niyang mister na si Edu Manzano ay talo rin sa congressional race sa San Juan City. Ang nanalo ay ang incumbent Congressman na si Romy Zamora.  

Leave a comment