May 22, 2025
Manilyn Reynes, determined to lose weight; John Estrada, unhappy with his acting performance
Latest Articles This is it!

Manilyn Reynes, determined to lose weight; John Estrada, unhappy with his acting performance

Jan 10, 2015

Rommel_Placente

by Rommel Placente

Manilyn 1 copy Ang New Years Resolution pala ni Manilyn Reynes ay ang magpapayat. Alam daw niya na mahirap gawin yun pero susubukan at gagawin daw niya ang lahat para maging slim siya.

Sana nga magawang pumayat ulit ni Manilyn dahil hindi na siya magandang tingnan sa screen, sa totoo lang. Pero nakatulong naman ang pagiging mataba niya para magkaroon siya ng maraming project. Dahil nga sa pagiging mataba niya, kinuha na siya sa mga comedy roles, nakilala na siya ngayon bilang isang komedyana, ‘di ba?

Si Sharaon Cuneta, balita namin hanggang ngayon ay mataba pa rin na naging dahillan para hindi siya dumalo sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ginanap nung December 30 ng nakaraang taon. Hirap talaga siyang magpapayat. Si Manilyn kaya, makakaya nga kaya niyang magbawas ng timbang? At kung pumayat na siya, marami pa rin kayang project ang dumating sa kanya? Baka hindi na siya kunin sa mga comedy shows ng GMA 7, di ba? At baka hindi rin naman siya ilagay sa mga serye dahil maraming dramatic actress ang Kapuso network? Si Manilyn naman ay hindi nakilala bilang dramatic actress although mahusay din naman siya sa drama..

************

Sa latest movie ni John Estrada na The Tragic Theater ay isang pari ang role niya rito. Ayon sa kanya, hindi raw siya masaya sa akting na ipinakita niya rito bilang isang pari. Sana raw ay sinunod niya ang payo ng kanyang misis na si Priscilla Meirelles na mas mag-research pa para sa kanyang role. Na ang ibig sabihin ni John, hindi niya nagampanan nang mabuti ang role niya bilang isang pari.

TragicTheaterPoster copy

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply