
No phone while filming “Hello, Love, Goodbye” shares Kathryn Bernardo
Naipareha na sa ibang aktor si Kathryn Bernardo tulad sa “Three Words to Forever” pero kakaiba ang karanasan niya sa pakikipagtambal kay Alden Richards.
Katunayan, inamin niyang hindi naging madali sa kanya ang mawalay sa kanyang boyfriend na si Daniel Padilla lalo pa’t sa ibang bansa sila nag-shoot for almost a month.
Noong in-offer nga raw sa kanya ang nasabing proyekto, pareho raw silang nagulat ng nobyo.
“Siyempre, nagulat siya, kasi ako rin nagulat din noong miniting ako ni Inang. Tapos sinabi nila na kung tatanggapin ko iyong project, si Alden ang makakapareha ko. Right after the meeting, sinabi ko kay DJ. Sinabi ko rin na matagal akong mawawala kung tatanggapin ko ito kasi lock-in po talaga kami sa Hongkong,” aniya.

Nanibago rin daw siya dahil nawalay siya sa love team partner dahil solid na ang kanilang pinagsamahan.
“Hindi naging madali naman po. Mahirap para sa amin pareho kasi for 6-7 years kami iyong magkasama sa trabaho kasi kahit nagtratrabaho kami abroad okay lang kasi kami ang magkasama. Iba ngayon iyong nagkahiwalay kami. Hindi siya naging madali. Naging malaking adjustment po siya lalo na kay DJ, pero hindi naman po siya nagkulang ng suporta na doon ko talaga na-appreciate kasi noong first week ko, umiiyak ako every night.
“Tapos, gusto ko nang tapusin iyong movie dahil hirap na hirap na ako. So kausap ko siya noon every night, nakikita niya kung ano iyong nangyayari sa akin, so sinabi na lang namin na basta mag-update-an na lang kami pag nagsho-shoot,” kuwento niya.
Dusa rin daw dahil ang direktor nilang si Direk Cathy Garcia Molina ay pinagbawalan siyang kausapin si DJ habang nagtratrabaho dahil ayaw nitong mawala ang pokus niya.
“Kinumpiscate iyong phone ko. Feeling ko na-deprive iyong open communication namin, so paano ako mag-uupdate tapos lalo na kapag mabibigat iyong scene which is madalas, bawal masyadong phone. Hindi ako makapag-update sa phone. So sabi niya, pupunta na lang siya para dalawin ako. Noong pumunta siya, hindi rin naman siya puwedeng pumunta sa set kasi medyo weird, so tinago siya sa akin,” salaysay niya.
“Actually, malaking adjustment siya, hanggang ngayon nag-aadjust pa rin ako. Pero ang pinakamalaking lesson na natutunan ko ay iyong trust, tiwala lang. Ang naging challenge namin, matagal kaming nagkahiwalay, super hirap nga pero ngayon full support siya especially noong na-meet niya si Alden,” dugtong niya.
Noong natapos na raw naman ang mabibigat niyang eksena at naitawid na ito, doon na hindi ipinagkait sa kanya ang nobyo.
“After iyong heavy scenes, super OMG nga. Sabi sa akin, sige na, may naghihintay sa iyo, iyon nga si DJ. Sa video, iyon iyong super tumalon ako. Surprise talaga siya at sa akin napaka-genuine iyong pagka-miss ko sa kanya. Iyon iyong story behind that,” paliwanag niya.
Sey pa ni Kathryn, nag-immerse raw siya sa kanyang role bilang Joy, isang domestic helper sa Hongkong.
Sobra rin siyang na-amaze kay Alden na tulad niya ay grabe ang ipakitang pagmamahal sa kanyang trabaho.
Mula sa Star Cinema at sa direksyon ng box-office director na si Cathy Garcia Molina, ang “Hello, Love, Goodbye” ang unang pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Kasama rin sa cast sina Kakai Bautista, Jameson Blake, Maymay Entrata, Joross Gamboa, Jeffrey Tam at Lovely Abella.
Palabas na ito sa lahat ng sinehan sa buong bansa simula sa Hulyo 31.