
“I thought there’s no job waiting for me after having been in the US for the longest time.” – Sheryl Cruz
by John Fontanilla
Hindi maitago ni Sheryl Cruz ang kanyang kasiyahan dahil sa kanyang pagbabalik showbiz ay pareho niyang nabalikan at napagtagumpayan ang mundo ng pag arte at pag awit.
Kung saan sunod-sunod ang paggawa nito ng teleserye at ngayon ay may sarili na itong album na matagal tagal ding namiss ni Sheryl.
“Sobrang happy ako, kasi medyo matagal tagal din akong nawala since nanirahan kami sa Amerika, pero sa pagbabalik ko hindi ko akalain na may trabaho muling naghihintay sa akin.
“Nung bumalik nga ako medyo natakot ako kasi sabi ko sa sarili ko baka wala na akong balikan.
“Pero mali pala ako kasi, may trabaho pa rin palang nakalaan sa akin .
Happy daw si Sheryl dahil nandyan pa rin ang kanyang mga fans kahit matagal siyang nawala. “Nakakatuwa lang dahil kahit nasa Amerika ako may communication pa rin kami ng mga fans ko.
“Thank you na lang sa Facebook kasi nagagawa naming mag usap usap doon.
“Kaya nang bumalik ako nandyan pa rin sila at hindi pa rin ako iniwan.
“Natutuwa nga ako kasi yung iba sa kanila mga profesionals na may kanya-kanyang trabaho na, pero kahit busy sila nagagawa pa rin nilang suportahan ako.
“Kaya naman mahal na mahal ko yung mga fans ko, dahil alam kong mahal na mahal din nila ako.
Wish come true daw kay Sheryl ang pagkakaroon muli ng album. Sobrang happy ako kasi hindi ko inaakala na magkakaroon pa ako ng album.
“Tapos yung song kong mananatili ginamit pang theme song sa isang show ng GMA 7 at maganda ang airplay nito sa ibat ibang Radio Programs.
At dahil nga sa tagumpay ng album nito ay pupunta itong Japan para mag promote ng kanyang album. “Siguro this month baka pumunta ako ng Japan to promote my album at yung single ko na ‘Mananatili’ na ginawan ng Japanese dance version at yun yung single na ipo-promote ko dun.
“Sana katulad ng pag suporta ng mga Pinoy sa album ko, suportahan din ng mga Hapon at ng mga kababayan nating naka base na sa Japan yung album ko.
“Kaya matagal tagal din akong mananatili sa Japan para I-promote ko yung album ko, pero pagbalik ko sa Pilipinas, trabaho kaagad at gagawa ako muli ng teleserye at ipagpapatuloy ko ang pagpo-promote ng album ko.” ani Sheryl.
Follow me…