
Sam Concepcion showcases dance moves in ‘Indak’
Nang i-anunsyo na gagawa si Nadine Lustre ng isang dance movie, marami ang nag-akala na ito na ang pagbabalik-tambalan ng Jadine.
Katunayan, marami ang nagsasabing perfect na kapareha ni Nadine sa naturang proyekto ang boyfriend niyang si James Reid.
Incidentally, sa pelikulang “Indak” na idinirehe ng most-sought after concert director Paul Basinillo, si Sam Concepcion ang katambal ng multimedia princess at hindi si James.
Aware si Sam na sa pagkakasama niya sa pelikula ay puwedeng ikumpara siya kay James.
Gayunpaman, sobrang thankful siya sa malaking break na ibinigay sa kanya ng Viva.
“I’m very happy that I was trusted to be a part of the movie, so I really gave my 100%. Honestly kasi, para sa akin, I’m really as good as my last performance and that keeps me on my toes to be better and always keep growing. Siyempre, it also adds that you have supportive people around you, like family and friends that help you and make it good atmosphere to perform and grow,” paliwanag niya.
Sey pa niya, suportado siya ng best friend niyang si James na noon pa man ay iniidolo siya.
Ibinahagi rin niya ang mga hirap na dinanas niya noong ginagawa nila ang pelikula na ang mga eksena ay kinunan pa sa Bantayan Island sa Cebu at sa South Korea.
“The training is hard. It’s very taxing sa katawan. But that’s when you know you’re doing right. Dancing is a sport, you’re supposed to get hurt. Doon ka rin, natututo,” aniya.
Naging behikulo rin daw ang pelikula para maipakita niya ang kanyang galing sa pagsasayaw.
Ayon naman kay Direk Paul, sobrang bilib siya sa passion, dedication at collaborative efforts ng kanyang lead actors, supporting cast and crew.
More than just a dance movie, kakaiba rin daw ito lalo pa’t ang titulo nito ay nakasulat sa Baybayin upang bigyang diin ang Pinoy vibe ng movie.
“Iyong Baybayin kasi, aside from it’s the interpretation of the word “indak,” iyong pinaka-narrative niya, nanggaling sa culture ng Pilipinas. Iyong culture niya, galing sa Bantayan at sa iba’t-ibang parte ng lugar na iyong dance and the culture are represented by the locals. Gusto naming maintindihan ng mga tao na whenever we do our production numbers, laging may looking back as we are as Filipinos and not we do it as western dance steps. Laging may looking back, dapat may Pinoy touch palagi,” esplika niya.
Ang Indak ay tungkol sa isang dalagang taga-isla na si Jen (Nadine Lustre) na may simpleng pangarap: ang sumayaw. Madidiskubre ang kanyang talento ni Vin (Sam Concepcion), lider ng dance group na Indak Pinas na siyang mag-eengganyo sa kanya para ipagpatuloy ang kanyang pangarap.
Palabas na sa Agosto 7, kasama rin sa pelikula sina Vitto Marquez, Julian Trono, Nicole Omillo, Race Matias, Meyton Eugenio, Audrey Caraan, Rose Van Ginkel, Christian Morones, Zarah Tolentino, Nathalie Alvarez, Kedebon Colim, G-Force dancers at marami pang iba.