May 22, 2025
‘The Killer Bride’ 20 times harder than ‘Wildflower’ says Maja
Latest Articles

‘The Killer Bride’ 20 times harder than ‘Wildflower’ says Maja

Jul 29, 2019

Marami ang namamangha sa galing ng Kapamilya actress na si Maja Salvador.

Katunayan, swak na swak siya sa mga roles ng mga babaeng palaban.

Mula sa kabit na si Nicole sa The Legal Wife at sa tusong si Ivy Aguas sa Wildflower, nagmarka na ang kanyang galing sa mga teleserye. 

Bilang isang epektibong aktres, malaki raw ang naituro sa kanya ng kanyang mga karanasan na siya niyang pinaghuhugutan.

“Siguro sa mga experiences ko rin… na ilang taon na ba ako sa showbiz. 16 years in the industry. Ang dami ko nang nakatrabahong mga artista, mga director at kung talagang mamahalin mo lang ang trabaho mo , mag-oobserve ka sa mga makakatrabaho mo at  makikinig ka sa mga directors mo. Iyong matututunan mo rin talagang e-embrace iyong karakter na ibinibigay sa iyo at maging ikaw iyong karakter na iyon at hindi ikaw si Maja,” aniya.

Sa kanyang bagong teleseryeng The Killer Bride, isang vengeful ghost ang ginagampanan niya.

“Physically, emotionally at mentally tiring para sa akin si Camila. For 2 weeks na nagta-taping kami, iba iyong pinagdadaanan ni Camila, iba iyong pain, iba iyong galit. May scene nga ako na nag-blood clot sa sobrang pain, sa sobrang galit . Kung ang dami kong sigaw sa Wildflower, dito kailangang 20 times ang pagka-intense,” pagbabahagi niya.

Masaya rin siya na reunited siya sa kanyang paboritong director na si Dado Lumibao na instrumental sa kanyang role bilang Nicole sa The Legal Wife kung saan siya naging bukambibig.

“Sobrang bait ni Direk Dado. Grateful din ako sa kanya. Iba rin naman kasi akong rumespeto sa mga directors ko kasi hindi ka nagiging mahusay o hindi ka makikilala kundi dahil sa kanila kasi sila iyong nagbibigay ng instructions, sila iyong nagga-guide sa iyo, sa karakter mo, so ang laking tulong lang,” pahayag niya.

First time rin niyang makatrabaho ang mga kamag-anak niya at dalawang miyembro ng Salvador clan na sina Janella at Jobelle.

“Ito iyong chance na mag-bonding kami. Siyempre, nagpaka-Ate ako , hindi nagpaka-tita kay Janella, kasi she’s very open naman. Tinanong niya kung anong path , kung saan siya papunta. Ako rin naman, nanggaling ako roon. Kinuwestiyon ko rin kung ano ang gusto ko. Ano bang gustong marating sa career ko, may mga ganoon talaga na pinagdaanan natin. May mga tumulong sa akin noon and this time, time ko naman na nandoon ako para sa kanya, na magtutulungan kami para sa serye,” pagwawakas niya.

Happy naman si Maja sa kanyang lovelife sa piling ng kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez.

Ayaw na namang makigulo ni Maja sa isyung kinasasangkutan nina Bea, Julia at ng ex niyang si Gerald.

“Ayoko nang sumali. Masaya ako. Ayokong sumagot. Sa akin kung  puwede lang po, wala na ako riyan. Sana, hayaan natin silang lahat mag-heal dahil hindi madali ang may mga pinagdadaanan. Huwag na tayong sumabay, huwag na nating gatungan. Kasi at the end of the day, lahat tayo tao, nasasaktan at maraming bagay na mas kailangan pang asikasuhin na mas importante,” pagwawakas niya.

Mula sa unit ni Roda dela Cerna, ang The Killer Bride ay mapapanood na ngayong Agosto sa ABS-CBN.

Kasama rin sa cast ng gothic romance sina Geoff Eigenmann, Joshua Garcia at Janella Salvador.

Leave a comment