May 23, 2025
RK Bagatsing understands sex workers more: They deserve also some respect
Latest Articles

RK Bagatsing understands sex workers more: They deserve also some respect

Aug 23, 2019

Malaking hamon para sa Kapamilya actor na si RK Bagatsing na gampanan ang kanyang role bilang Ram, isang baguhang sex worker na iminulat ng isang beteranang pokpok sa pasikut-sikot ng prostitution trade sa pelikulang Cuddle Weather.

“Iyong last indie movie ko kasi was Apocalypse Now sa QCinema, then nag-concentrate ako sa television like Wildflower, Araw Gabi and Nang Ngumiti ang Langit na serious dramas. Dito sa Cuddle Weather, actually wala pa akong nagampanang ganitong karakter. Napakalight, napaka-carefree, napaka-jolly na light ang karakter. Dito, maraming adlib si Ram na medyo wala sa iskrip kaya sobrang tuwang-tuwa ako, dahil nagpapatawa lang akong  palagi,” kuwento niya.

Sey pa niya, nakaka-relate rin daw siya in a way sa character niya sa nasabing obra ni Rod Marmol.

“Si Ram kasi, napakasimpleng tao, happy go lucky, pero straight to the point. Mapagmahal, maalaga sa pamilya. So in a way, tulad ng sinabi ko, si RK may mga ganoong days, naman eh, carefree kumbaga. Wala siyang masyadong iniisip kung ano ang sasabihin niya. Basta kung  ano ang lumabas sa bibig niya, iyon lang iyon, pero napakabait niyang karakter. Napakakulay niyang karakter.  Noong in-offer nga sa akin at nabasa ko, gusto ko iyong karakter niya. so sabi ko, kukunin ko. So, napakaraming similarities. Makulit, ganyan. Magkaiba lang kami ng trabaho,” paliwanag niya.

Bilang isang actor, marami rin daw siyang natutunan kay Sue bilang katrabaho.

“Alam mo, sinasabi ko nga, napakasuwerte kong katrabaho si Sue because wala kaming masyadong adjustments na ginawa. Iyong 2 days na workshop o iyong acting workshop namin, iyon na iyon. I was able to get to know her, napakabait palang tao. Napakagaan katrabaho. Walang insecurity, walang kaarte-arte kaya ang bilis lang naming nag-click. Kaya, natutuwa kami  kung sinasabi nilang may chemistry kami sa screen kasi it means na magaan ang loob namin sa isa’t isa offscreen,” pahayag niya.

Bilang paghahanda sa kanyang role na male prostitute sa naturang pelikula, nagsaliksik din daw siya at kumuha ng peg para mas mabigyan niya ng tamang interpretasyon ang kanyang papel.

“Nag-interview kami ng male escort. Kinuwento niya ang buhay niya and as an actor, pag pinadalhan ka ng iskrip words pa lang iyon, di ba? Kailangan mong bigyang buhay iyong karakter and for us to be able to do that kailangang mag-immerse ka at maintindihan mo iyong  kanilang pinagdadaanan,” esplika niya.

Hirit pa niya, mas lumalim daw ang kanyang pang-unawa sa mga sex workers at kung bakit nila iyon ginagawa.

“It’s not just about sex when they say prostitutes. For us, hindi lang ganoon ang thinking namin. Mas lumalim pa. For me, lahat naman tayo, gustong mabuhay. It’s their means of living. So, just like any profession, they deserve also some respect,” ani RK.

Tungkol naman sa mga artistang nagiging front ang showbusiness ng prostitution, ayaw daw niyang i-judge ang mga ito.

“For me kasi, it doesn’t matter what I think. Nag-eexist siya. If people will approve that, it’s already there. Kung anuman ang reason ng mga tao for doing it, let’s just respect them,” pagtatapos niya.

Ang Cuddle Weather ang first teamup nina Sue Ramirez at RK Bagatsing. 

Mapapanood na ito simula sa Setyembre 13 bilang opisyal na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Leave a comment