May 25, 2025
Gabbi Garcia on keeping relationship: Sobrang selos is just a waste of energy
Latest Articles

Gabbi Garcia on keeping relationship: Sobrang selos is just a waste of energy

Sep 9, 2019

Sobrang na-in love ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa kanyang role bilang aspiring musician sa pelikulang  “LSS” (Last Song Syndrome).

Aniya, tinanggap niya ang proyekto na walang iniisip kung sino ang kanyang magiging leading man.

Gayunpaman, happy siya dahil napunta ang role ni Zak, ang kanyang love interest, kay Khalil Ramos na real-life boyfriend niya.

Sey ni Gabbi, hindi raw naman siya nahirapang makumbinsi ang GMA management na payagan siyang  makatrabaho si Khalil na identified sa Kapamilya network.

Hirit pa niya, ayaw daw niyang isipin na isang love team sila. 

“Noon pa namin sinasabi ito, na hindi kami isang love team. Kasi pag love team ka, iba ang expectations ng mga tao. Basta kami, sobrang na-inspire kami sa project na ito,” sey ni Gabbi.

Tungkol sa dalawang estranghero na pinagtagpo ng musika ang kuwento ng LSS kaya raw nakaka-relate sila.

“I guess, pareho kami ni Khalil na mahilig sa music. I do covers tapos si Khalil naman sings also and was a product of a talent search show,” kuwento niya.

“Actually noong bata, I really wanted to become a pilot, then, napasok nga ako sa showbiz kasi I really love performing. Ever since I was a kid, I loved singing, dancing… I was really a bibo kid. Like, whenever  there are occasions sa schools and even sa ibang gatherings, I would  host [or] I would sing, so it [was] not really that impossible that I could enter showbiz,” dugtong niya.

Kahit daw may pagkakaiba ang kanilang personalidad, swak daw naman sila ni Khalil.

“Si Khalil kasi, is more of an introvert while ako naman, extrovert ako,” pagbubunyag niya.

Sey pa ni Gabbi, may pagka-weird daw si Khalil at ito ang isang bagay na nagustuhan niya sa boyfriend.

“May pagka-nerd siya pero malalim… and that’s what I like about him. Cool lang din siya at hindi siya iyong tipong nagko-control sa isang relationship. He lets me do my own thing. Hindi siya iyong nagdidikta on what to do or what to wear, basta chill lang siya as a person,” ani Gabbi.

Paliwanag pa niya, naniniwala siyang para mag-work ang isang relationship, kailangan ang ‘give and take.’

Hindi rin daw siya iyong klase na selosa as a girlfriend.

“Wala sa amin iyong nagdo-dominate sa isang relationship. For me, bakit ka naman mang-u-under ng partner. Mas importante kasi iyong trust namin sa isa’t-isa,” esplika niya.

Tulad ng ibang magkasintahan,  nagkakaroon din daw sila ng konting sigalot.

“Kasama naman iyon sa dynamics ng isang relationship. Yes, we argue sometimes  pero normal lang iyon sa isang relasyon. Pero, hindi naman kami umaabot sa point na hindi nire-resolve ang anumang conflict at the end of the day,” saad niya.

Nakatulong din daw na natuto na sila sa kanilang mga karanasan sa past relationships nila.

“Dati kasi kami, jealous type rin kami. As you mature, maraming bagay kang nare-realize. Nare-realize mo minsan na iyong sobrang selos is just “a waste of energy.” We’ve learned na hindi siya nakatutulong. It does not make you better as a person,” sey niya.

“Kumbaga, we came into this relationship not wanting to commit the same mistakes like before at malinaw iyon sa amin,” pagwawakas niya.

Mula sa produksyon ng Globe Studios at Dokimos Media Studios at sa direksyon ni Jade Castro (Endo, Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington), tampok din sa LSS (Last Song Syndrome) ang indie folk band na Ben and Ben na kinabibilangan nina Miguel Benjamin Guico, Paolo Guico, Poch Barretto, Agnes Reoma, Patricia Lasaten, Toni Muñoz, Keifer Cabugao, at Andrew de Pano. 

Bilang opisyal na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino, palabas na ito sa buong bansa simula sa Setyembre 13.

Si Gabbi ay kasama rin sa cast ng Kapuso teleseryeng “Beautiful Justice.”

Leave a comment