May 22, 2025
Nora Aunor confirms attendance at Sine Sandaan; FDCP chair Liza Diño thanks Superstar
Latest Articles

Nora Aunor confirms attendance at Sine Sandaan; FDCP chair Liza Diño thanks Superstar

Sep 12, 2019

Kumpirmado na ang pagdalo ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa pagdiriwang ng SINE SANDAAN na itinataguyod ng Film Development Council of the Philippines. Sa post ng FDCP chairman na si Liza Diño-Seguerra kahapon sa kaniyang Facebook account ay pinasalamatan nito si Nora Aunor. 

“Ms. Nora Aunor just confirmed her attendance tomorrow. Salamat po sa suporta sa SINE SANDAAN.”

Bago pa ang post na ito ay nakausap na namin si Ate Guy  at sinabi nga niya na dadalo siya sa naturang event. 

“Napaka-importante ng okasyon na iyun kaya pupunta ako. Balita ko hindi biro ang ginawang preparasyon ng FDCP para sa pagdiriwang ng Pelikulang Pilipino sa pagsapit nito sa kaniyang ika-sandaang  taon,” sabi ng Superstar.

“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa FDCP sa patuloy na pagbibigay at pagpapahalaga sa munting naiambag ko sa pelikula. Siyempre, sa pagbibigay din ng halaga at respeto sa mga ibang kasamahan ko sa industriya na bibigyan din ng parangal,” dagdag pa niya. 

Kabilang si Nora sa three hundred (300) luminaries ng Sineng Pinoy na pararangalan sa Sine Sandaan event na gaganapin  mamayang gabi sa New Frontier Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

 Sobra ang kasiyahan ni Chairman Liza 

dahil bukod sa FDCP ay katuwang niya ang mga ahensiya, institusyon, at stakeholders para suportahan ang event tulad ng  CMB Film Services, ABS-CBN, Department of Tourism (DOT), Araneta Group, at Fashion Designers Association of the Philippines (FDAP). Nakasuporta rin sa kanya ang Solar Entertainment, Frontrow International at marami pang iba. 

“We are truly grateful for everyone’s support and acknowledgement of Sine San­daan, including ABS-CBN who will broadcast the event to ensure that the Filipino audiences nationwide and worldwide will get the chance to witness this once-in-a-lifetime cele­bration.

“We are looking forward to more stakeholders as supporting not just Sine Sandaan for the next year, but the whole of Philippine Cinema. This is the chance to bring everyone together as one film industry!” sabi pa ng FDCP chairman.

Leave a comment