May 22, 2025
Jerome Ponce tries daring scene with fellow actor, denies sex video issue
Latest Articles

Jerome Ponce tries daring scene with fellow actor, denies sex video issue

Sep 26, 2019

Nakalabas na ng gay role si Jerome Ponce sa isang episode ng MMK pero kakaiba raw ang kanyang karakter sa pelikulang “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” dahil ibang klase raw ito dahil may daring scene siya sa kapwa lalaki.

Aminado raw siyang nanibago siya dahil first time niyang gumanap nang ganoong klaseng role sa pelikula.

 “Ang dami kong nilunok… paninibago,” bungad niya. “Hindi ko kinaya pero masarap din na nagawa ko yun,” dugtong niya. 

Hirit pa niya, nag-audition daw siya sa nasabing proyekto ng magaling at award-winning director na si Jason Paul Laxamana.

“In-expect ko iyong role na guy role ang ibibigay sa akin, so hindi ko ini-expect na iyong gay role ang mapupunta sa akin,” kuwento niya.

Sey pa niya, nagkaroon din daw siya ng inhibitions na i-portray ang role ni  Denzel.

“Natakot kasi ako na baka hindi maging tama ang pagpo-portray ko sa kanila. Minsan kasi, baka ma-exags. Ayoko namang makasakit ng  kapwa ko kung hindi maayos kasi malaki ang respeto ko sa kanila,” paliwanag niya.

Nakatulong daw sa pag-iinternalize niya, na nasa industriya siya na maraming gays.

Pagbubunyag pa niya, marami raw siyang naging peg sa paghahanda niya sa nasabing gay role.

“A lot. My stylists na friends ko. Actually, niyaya ko silang lumabas. Sila iyong nagsasabi sa akin, mahirap palang maging gay. Mahirap talaga iyong ganoon, lalo na iyong kanilang pinagdadaanan. Nagpakuwento ako sa kanila, simula noong bata sila hanggang sa nag-out sila,” pagbabahagi niya. “Pero ako naman, ayoko silang i-judge,” pahabol niya.

Tungkol naman sa umaano’y kumakalat na sex scandal niya, itinanggi naman ito ng aktor.

“Pag malaki, akin yun… pero pag ano… joke lang,” pagbibiro niya.

Gayunpaman, hindi naman niya ikinaila na aware siya sa isyung iyon tungkol sa kanya.

 “Ever since naman, tinatanong… laging nagsasabi sa akin na, ‘Uy, may lumabas daw…’ Ha?! Iniisip ko, hawak ko ba ang phone ko habang nasa CR ako? Parang wala,” ani Jerome.

“So, confident ako. Alam ko sa sarili na hindi ako maganun. Sure na sure ako. Kung meron man… e, di akin na yun. Pinipilit, e, di akin na lang. Hindi talaga, e. May nagsabi sa akin… almost yearly, may mga ganyan, e. Sigurado naman ako. Phone ko nga, wala, bakit magkakaroon pa sa internet? Hindi ako ganung klaseng tao,” pahabol niya.

Mula sa produksyon ng Regal Entertainment at sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, tampok din sa “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” sina Tony Labrusca, Jane Oineza, Myrtle Sarosa at Albie  Casiño.

Ang pelikula na naglalarawan ng mga problema at pakikibakang kinakaharap ng millennials ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Oktubre 2.

Leave a comment