
Alice Dixson admits she suffered from mild depression
Sa presscon na ginanap sa Discovery Suites sa Ortigas, inamin ni Alice Dixson na sobra siyang na-challenge sa kanyang role sa pelikulang Nuuk na mapapanood na sa Nobyembre 9 sa buong bansa.
Una, kailangan niyang labanan ang matinding lamig dala ng niyebe sa pagsho-shoot nila sa Nuuk, na isang autonomous region sa Denmark.
“Noong nag-shoot kami, the temperature was like super lamig kasi like Greenland, the temperature went as low as -11 degrees Celsius, but because of the wind factor, I felt chillier, like -20 degrees,” kuwento niya.
Gayunpaman, hindi raw naman siya nahirapang mag-adjust dahil nasanay na siya sa winter noong tumira siya sa Canada.
“I lived in Canada for quite sometime. The culture there is very similar to the native Indians in Canada. The people there are Nomadic. They live in igloos. They’re like people of the north. They hunt. They fish. They live very simple lives. The city is very small but it’s beautiful,” aniya.
Nakaka-relate rin siya sa karakter niya bilang Elaiza Svendsen, isang Pinay immigrant sa Nuuk na nakapangasawa ng isang Danish guy.
“Iyong character kasi niya is a lonely immigrant na namatay ang asawa who suffers depression, then may issues pa siya with her son. So, mape-feel mo na parang lost siya in a foreign land,” ani Alice.
Aminado rin siya na tulad ng karakter niya, nakaranas din siya ng depresyon sa buhay niya.
“I also have my ups and downs. Siguro iyon ang naging motivation ko o pinaghuhugutan ko on how to portray my role,” lahad niya.
“I experienced depression when I first moved to Canada, whose climate is similar to that of Greenland. Especially when there’s lack of sun, at hinahanap-hanap mo siya, so it leads to mild depression and some people call it as winter depression,” dugtong niya.
Public knowledge rin kasi na ikinasal si Alice kay Ronnie Miranda sa Canada noong 1998 na nauwi sa hiwalayan.
Hindi rin isyu kay Alice ang gumanap ng mother role sa nasabing obra ni Veronica Velasco.
“I’m already 50 and I’ve done mother roles. Dito lang iyong son ko is Warneq Fleisher, who’s a Filipino theater actor based in Denmark,” pahayag niya.
Happy naman si Alice dahil reunited siya kay Aga Muhlach na nakasama niya sa mga pelikulang “Hot Summer” (1989),Joey Boy Munti’ (1991) at “Sinungaling Mong Puso” (1992) noon.
Sey pa niya, hinahangaan niya si Aga bilang actor kaya naman humahabol daw siya rito noong ginagawa niya ang pelikula.
“I worked with Aga a long time ago. That time was our Regal days in the ’90s. He is always an actor to reckon with. I remember his performances in the movies of the late Maryo J. de los Reyes, napakahusay niya,” pagbabalik-tanaw niya.
Mas ease rin daw siyang katrabaho ito ngayon kumpara noon.
“Noon kasi, hindi kami masyadong nakakapag-bond at hindi nakakapag-usap kasi iba ang pokus namin noon. Ngayon, may bonding moments na kami sa set kasi pareho kami ng birth sign, pareho kaming Leo at pareho kaming stubborn. As a matter of fact , may behind the scenes akong kinunan na sumasayaw kami at nagkakantahan na i-u-upload ko sa Youtube channel ko,” tsika niya.
At 50, ibinahagi ni Alice kung paano niya napanatili ang kanyang vibrant look at beautiful body despite the years.
“Siguro, it’s just having a positive outlook in life. Actually, iyong katawan mo lang naman ang nag-iiba, pero deep inside, nandoon pa rin iyong mentality mo. So, it pays to be positive despite the challenges na nararanasan mo in life,” pagtatapos niya.