June 8, 2025
No more network war Dennis Trillo hopes
Latest Articles

No more network war Dennis Trillo hopes

Oct 24, 2019

Para sa Kapuso actor na si Dennis Trillo, isang blessing na mabigyan siya ng pagkakataong maka-cross over sa ABS CBN via his supernatural thriller movie na “Hellcome Home”, ang kanyang first movie na iprinudyus ng Star Cinema.

Bagamat nakagawa na raw siya noon ng pelikulang “You’re Still The One” kasama si Maja Slavador noong 2015, hindi raw ito produksyon ng Star Cinema kundi ini-release lamang ng nasabing film outfit.

Saad pa niya, masaya siya dahil nabibigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang iba’t-ibang artista mula sa ibang network tulad nina Beauty Gonzales, Raymond Bagatsing at Allysa Muhlach sa isang pelikula. 

Ani Dennis, hindi raw naman siya nahirapang maka-bonding ang mga ito dahil napaka-professional ng mga ito sa set at nakaka-impress ang galing.

“I’m glad that the window of opportunity is opening now just like Alden,” aniya.

Sey pa niya, happy siya sa tinamong tagumpay ng pelikulang pinagbidahan ng co-Kapuso na si Alden.

“Masaya ako at sana more projects. I think, malaking factor iyong hindi na isyu ang network war kasi nabibigyan kami ng chance to work with other network,” paliwanag niya.

“Actually, lahat naman kami, iisa lang ang goal namin, to do quality movies na maa-appreciate ng audience at sana ito na iyong magandang simula,” lahad niya.

Dagdag pa niya, mas healthy daw kung hindi naiipit sa network war ang mga artista sa kanilang mga trabaho.

Malaking factor din daw ito sa naging tagumpay ng Hello, Love, Goodbye, ang pelikula ng Kathden na may record na highest grossing Pinoy film of all time.

“This movie, (Hellcome Home) will prove na kaya namin (mag-work) kahit magkaiba ng network,” giit pa ni Dennis. 

Malaking challenge rin daw sa kanya ang paggawa ng horror films at kaparehong genre.

“Actually, physically and emotionally tiring siya. Nakakapagod siyang gawin, kasi lahat ng mga kasama ko rito may intense scenes. Dito kasi, kailangang pag-aralan mo lahat. Ang hirap kasing maging authentic ang isang tao kasi there’s a thin line na baka magmukha siyang katawa-tawa kapag inaarte mo, so dapat aralin mo lahat, pati iyong paano mo ico-convey iyong takot, o iyong halo-halong emosyon na nararamdaman noong karakter, so mahalagang mag-commit ka talaga sa bawat eksena mo,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Dennis, bagamat gusto niyang kumita ang kanyang pelikula, hindi raw ito ang main consideration niya sa paggawa ng isang proyekto. 

Mas importante raw sa kanya ang makagawa ng de-kalidad na pelikulang tulad ng Hellcome Home na maa-appreciate ng audiences at reviewers dahil mas lasting daw ang effect noon para sa kanya.

Ginagampanan ni Dennis ang role ni Peter Villareal na ang buhay at pamilya ay binalot ng lagim nang ang kanilang bahay na naging impiyerno o ‘hellhome’ dahil sa kanilang mga nakapanghihilakbot na mga karanasan.

Kasama rin sa pelikula sina Beauty Gonzales, Raymond Bagatsing, Allysa Muhlach, Teejay Marquez, Gillian Vicencio at Miel Espinosa.

Mula sa direksyon ng Bobby Bonifacio, Jr. (Numbalikdiwa, Hospicio), ang “Hellcome Home” ang Halloween treat ng Star Cinema na palabas na sa buong bansa simula sa Oktubre 29.

Leave a comment