May 23, 2025
Anestisya’s lyrics video, almost 100k views!
Latest Articles

Anestisya’s lyrics video, almost 100k views!

Oct 24, 2019

Masayang masaya ang millennial trio na JBK (Joshua Bulot, Bryan del Rosario, Kim Ordonio) sa resulta ng kanilang latest song “Anestisya.”

Patuloy itong nire-request sa mga FM stations. Sa katunayan, ito ay most wanted song sa Barangay LS, Win Radio, at Wish FM. 

Hindi pa man nakaka isang buwan simula noong ni-release ito noong Oct. 4 ay hataw na agad sa mga radyo. 

“Masayang masaya kami sa natatanggap naming positive reactions mula sa mga tao. Sabi nila, sobrang nakaka-relate sila sa song. Ang dasal pa namin ay mas marami pang tao ang makarinig ng ‘Anestisya,’ ” pahayag ng JBK.

Nakilala ang JBK sa “X-Factor UK” 2017 matapos purihin ng TV producer na si Simon Cowell. Umabot ang grupo hanggang semi-finals.

Ang “Anestisya” ay isinulat ni Jojo Panaligan at produced by Lester Ramos ng Rider PH Studios.

Almost 100 thousand views ang lyrics video ng “Anestisya” na mapapanood sa YouTube channel ng Rider PH Studios. 

Pwede ring mapakinggan ang song sa Spotify, iTunes, at iba pang digital music platforms.

Leave a comment