
‘Adan’ ladies are here for some hot scenes
Pinakamalaking hamon para kina Bb. Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda at indie actress Rhen Escaño ang pagbibida sa pelikulang “Adan” na isinulat ng internationally acclaimed director na si Yam Laranas at idinirehe ng magaling na director na si Roman Perez, Jr.
Ayon nga kay Rhen, itinodo niya ang pagpapaseksi sa nasabing pelikula na palabas na sa mga sinehan sa Nobyembre 20.
Bagamat nag-topless na si Rhen sa pelikulang Untrue kung saan may matinding love scene siya kasama si Xian Lim, kakaiba raw naman ang role niya sa nasabing produksyon ng Viva Films, Aliud Entertainment at ImaginePerSecond.
“First time ko po kasi na makipaghalikan sa kapwa ko babae,” pakli niya.
Nilinaw naman niya ang balitang itiniwalag siya ng Iglesia ni Cristo dahil sa kanyang desisyon na magpaseksi sa kanyang mga pelikula.
“Actually, matagal na po akong wala sa INC,” aniya.
“Iyong desisyon ko naman pong magpa-sexy, nasa edad na naman po ako para makapag-desisyon para sa sarili ko. Besides, hindi naman po ito iyong nude film na walang katuturan. May sex siya pero it’s more of a psychological thriller. It’s not also about showing your body but more than that,” dugtong niya.
Hirit naman ng kanyang kaparehang si Cindy Miranda, unforgettable sa kanya ang kanilang love at sexy scenes ni Rhen.
“Sobrang tapang ng movie. Sobrang na-in love ako sa karakter ko rito as Marian. Iyong kissing at love scenes namin, ginawa lang naming natural,” ani Cindy.
Sey pa niya, nakatulong din daw na nagkaroon sila ng intensive sensuality workshops para maitawid nila ang requirements ng kanilang mga daring scenes.
“Gusto kong pag napanood ng mga tao, maalala nila ako hindi as Cindy the beauty queen o kung sino si Cindy in real life kundi si Cindy sa character niya bilang Marian,” dagdag pa niya.
Kuwento pa ni Cindy, bago rin daw sila sumabak sa kanilang matitinding eksena ni Rhen, pinanood daw niya ang mga kontrobersyal na pelikulang “Blue is the Warmest Color,” “The Handmaiden,” “High Art” at iba pa.
Ang paghahandang ito rin daw ang dahilan kaya hindi sila nagkaroon ng ilangan ni Rhen sa kanilang sex sequences.
Sa kanyang pagpapaseksi, hindi rin nagwo-worry ang beauty queen na mabatikos ng Bb. Pilipinas dahil trabaho lang daw sa kanya ang pag-aartista.
Ayon naman sa director nitong si Roman Perez, Jr. (Ewankosau Saranghaeyo, Sol Searching), bagamat mapangahas ang female characters sa Adan, hindi raw ito isang kuwento tungkol sa feminism o roles ng mga babae sa isang lipunan na dinodomina ng mga kalalakihan.
“Adan ang title niya kasi, kumbaga, tungkol ito sa magkababata na naging sandigan ang isa’t isa. Sa absence ng Adan sa buhay nila, sino ang magiging Adan sa kanilang dalawa? Plinano namin ito as a tragic love story. Una naming naisip na gawing erotic thriller pero more than the sex, iyong thriller ang gusto naming kapitan, but habang ikinukuwento namin naging love story siya dahil meron ding crime of passion,” ani Direk Roman.
Dagdag pa niya, napapanahon na maikuwento ang ganitong klase ng istorya dahil hindi lang lalake, babae, tibo o beki ang captive audience nito.
“Gender-fluid ang pelikula. May puso siya. Kahit homo o hetero, maiiintindihan nila ang kuwento. Hindi lang Gen X o Gen Z o millennials,” giit niya.
Ang Adan ay kuwento ng magkababatang Ellen (Rhen) at Marian (Cindy) na nakatira sa liblib na pook na nasangkot sa misteryosong pagkamatay ng ama ng una.
Kasama rin sa cast ng Adan sina Epy Quizon, Bembol Roco, Raffy Tejada, Ruby Ruiz, Raul Morit, Phoebe Villamor, Maui Taylor, Jiad Arroyo at marami pang iba.
Palabas na ang pinakamapangahas ng pelikula ng taon sa Nobyembre 20 mula sa tambalang Yam Laranas (Balahibong Pusa, Hibla, Sigaw, Aurora) at Roman Perez (Ewankosau Saranghaeyo, Sol Searching).