May 24, 2025
Dimples Romana reveals she was on the verge of quitting showbiz
Latest Articles

Dimples Romana reveals she was on the verge of quitting showbiz

Nov 13, 2019

Para sa Kapamilya actress na si Dimples Romana, malaki ang nagawa sa kanya ng kanyang teleseryeng Kadenang Ginto para sumikat siya.

Simple lang daw naman ang kanyang pangarap at hindi raw siya nag-ilusyon noon na magiging bida o kilalang aktres.  

Bagamat napansin na ang galing niya sa drama noon tulad ng “The Greatest Love” at bilang best friend ng mga bida sa mga teleserye at pelikula, turning point na masasabi ni Dimples ang kanyang karakter na si Daniela Mondragon para mas pumaimbulog pa ang kanyang karera. 

Katunayan, halos wala nang mahihiling pa ang endorser ng Skin Magical pagdating sa personal na buhay at sa takbo ng kanyang career sa showbiz.

Dahil din sa lakas ng recall ng kanyang karakter bilang Daniela na nagtrending sa memes, naging in-demand na endorser ang magaling na aktres.

Bukod sa Skin Magical, may dalawa pang produktong ie-endorse si Dimples na ayaw muna niyang pangalan.

“Siguro nando’n na lang ako sa punto na gusto ko na lang makatulong sa iba, alam mo iyon. Kasi umabot din naman ako dito dahil maraming tumulong sa akin, eh, so dapat sa buhay pag ika’y natulungan ibalik mo rin yung tulong na ‘yon,” aniya.

“At kadalasan iyong mga tumutulong sa atin hindi nila kailangan ‘yung tulong natin, eh. And this is where the chain happens, then you help out people who need help. 

“For example, ako, nung nagsisimula akong mag-artista maraming nagbigay sa akin ng words of wisdom, mga nanay-nanayan ko sa industriya, tatay-tatayan ko. 

“Hanggang ngayon ang sarap ng pakiramdam na pag nakikita ko sila masayang-masaya sila para sa ‘yo kasi ramdam nila yung pinaghirapan mo, alam nila,” dugtong niya.

Kahit pinaghirapan niya kung anumang tagumpay na kanyang tinatamasa sa ngayon, itinuturing pa rin niya na swerte siya kumpara sa ibang nabibigyan ng oportunidad sa showbiz.

“Kasi sa totoo, nando’n pa ako sa point ngayon na hindi pa siya masyadong nagsi-sink in sa akin. Overwhelmed pa ako, so nando’n pa ako sa nahihiya pa ako kasi pakiramdam ko, kasi naisip ko, ‘Lord, puwede na ito sa iba,’ kasi masaya na ako, eh, punumpuno na po,” lahad niya.

Aminado rin siyang dahil nakamit na niya ang inaasam niya sa buhay, pumasok sa isip niya na magretiro na sa showbiz.

“Minsan kasi, when you feel that the blessings have already been enough you feel it’s okey to stop. And I also don’t want to be greedy, eh. I also don’t believe that money is the end-all of everything, eh,” ani Dimples.

Gayunpaman, nagbago raw ang isip niya dahil alam niyang may misyon pa siya sa mundo.

 “Nararamdaman ko na balanseng-balanse ang buhay pagdating sa career, love at sa pamilya ko. Sobrang saya ko rin sa trabaho dahil nirerespeto ka at mahal ka ng mga katrabaho mo. 

“Nandoon na na-realize ko na parang sinasabi sa akin ni Lord, that I have just to embrace his blessings. Parang nando’n din ako sa point na gusto ko lang ding makatulong,” bida niya. 

Naroon din ang pagnanais niya na maka-inspire sa mga kabataang artista na nawawalan ng pag-asa sa industriya kaya nagbago ang isip niyang magretiro agad.

“I believe in inspiring people. So, mas yon ang motivation ko to keep going because para don sa mga batang artista ngayon na pakiramdam nila wala silang puwesto sa industriyang ito.Gusto ko pag nakita nila ako, maisi nilang, ‘ba’t si Ms. Dimples tyinaga niya ‘yon, ilang taon yon, darating din yung para sa akin.’ Gusto ko pag nakita nila ako ganun ang maramdaman nila,” pagtatapos niya.

Bukod sa “Kadenang Ginto,” malapit na ring mapanood si Dimples sa MMFF movie na “The Mall, The Merrier.”

Leave a comment