May 23, 2025
I will never sing again—Roxanne Barcelo
Latest Articles

I will never sing again—Roxanne Barcelo

Nov 24, 2019

Memorable para sa singer-actress na si Roxanne Barcelo ang pagsali niya sa ginanap na Tawag ng Tanghalan, Celebrity Edition ng daily noontime variety show na “It’s Showtime.”

Kahit hindi siya nanalo at iba ang itinanghal na winner, wala raw siyang naging regrets.

Malaki rin ang pasasalamat ng bida ng “Love is Love” sa naturang show dahil naibalik nitong muli ang interes niya sa pag-awit.

“Iyong music kasi, it brings painful memories for me. Sometimes, naging traumatic siya,” pagbabalik-tanaw ni Roxanne. 

“Sabi ko sa sarili, I will never sing again,” dugtong niya.

Paliwanag niya, may kinalaman daw ito sa mga hugot niya sa buhay.

“Iyong kasing taong nagbigay ng big break sa akin who was dear to me, si Mama Belle, iyong former boss ko sa Universal Records, she died right after na ma-release iyong album ko which was a hit,” paliwanag niya.

Gayunpaman, na-realize raw niya na kapag may passion ka sa isang bagay, parte na raw ito ng pagkatao at hindi na mawawala sa iyo.

Malaking bahagi rin daw ang kanyang namayapang ama upang magdesisyon siyang magbalik-loob sa pag-awit.

“Sabi niya, before he passed away, ‘sayang ang mga kanta mo, anak,” ani Roxanne. Doon, na-realize ko na gusto rin niyang ipagpatuloy ang passion ko for singing aside from acting,” pahabol niya.

Kaya nga raw, everytime na kumakanta, naiisip niya na ang kanyang piece ay dedicated lagi sa kanyang ama.

“He was the one who inspired me to sing again,” pagbabahagi niya. “Actually, I miss him everyday of my life. Silang dalawa ng mother ko ang inspiration ko because singing is also the best way to honor your parents,” dugtong niya.

Mapapanood si Roxanne sa romantic comedy at heartwarming drama movie na “Love Is Love” na ipirinudyus ng RKB Productions at idinirehe ng magaling na director na si GB Sampedro simula sa Disyembre 4.

Ginagampanan niya sa pelikulang ito ang papel ni Winona, ang nobya ni Wacko (Neil Coleta) na mai-involve sa best friend nitong si Anton. (JC de Vera).

Bukod  kina JC at Neil, kasama rin sa cast ng Love is Love sina Raymond Bagatsing, Jay Manalo, Marco Alcaraz  at Rufa Mae Quinto.

Leave a comment