May 24, 2025
Being sexy is also an art—Marco Gumabao
Latest Articles

Being sexy is also an art—Marco Gumabao

Feb 24, 2020

Pagkatapos ng kanyang intense love scenes kay Anne Curtis sa “Just Stranger,” nagbabalik ang Viva hunk actor na si Marco Gumabao sa sexy romantic drama na “Hindi Tayo Pwede.”

First time niyang makakasama rito ang Kapuso Primera Aktresa na si Lovi Poe kung saan marami rin silang nag-aalab na love scenes.

Bilang isa sa hottest young actors natin ngayon, hindi naman siya natatakot na malinya sa mga pelikulang sexy o erotic dahil bahagi raw iyon ng trabaho niya bilang artista.

“For me, I think, it adds motivation whenever people expect us to be… na parang  pag  nakita kami ‘ah, sexy movie lang iyan, wala namang acting.’ For me, it’s a motivation to show them… to surprise them that you could give something because iisipin nila na , ‘ah, hindi naman maganda iyan, puro paganda lang ng katawan iyan. But when you watch the movie, magugulat sila. So, for me iyon iyong motivation that I hold on to. It’s not really proving them wrong but just showing them that we could do kung ano iyong hinihingi ng character namin,” aniya.

“And of course, being sexy is also an art. It does not mean that you do something na may love scene, malaswa nang tingnan, because not everyone could do love scenes. It’s very, very hard. People think, it’s easy but it takes a real actor do love scenes properly,” dugtong niya.

Happy din siya na nakatrabaho for the first time  ang award-winning actress na si Lovi sa obrang ito ni Joel Lamangan.

“Lovi is an established artist and she’s really proven herself as a good actress. It’s an honor for me to be given a chance to work with her,” sey niya.

Sa pelikulang Hindi Tayo Pwede, asahan na ang sexual tension dahil katriyanggulo nila ni Lovi  sa pelikulang ito si Tony Labrusca na isa ring hottie.

Gayunpaman, nilinaw niya na walang kumpetisyon sa kanila ni Marco pagdating sa pagpapa-seksi o paghuhubad kahit may may pinag-aagawan silang babae sa pelikula.

“Actually, walang ganoon. There’s no battle aside from our characters. This movie is a collaboration  between the three of us. It may seem na, if there are two guys and one girl, na parang there’s always been a battle between Tony and me. But the movie is done in a collaborative way na lahat kami dapat mag-shine dito na hindi maiiwan  iyong isa.  Ganoon namin siya inatake,” pahayag ni Marco.

The movie Hindi Tayo Pwede is about holding back and moving on sa isang relasyon.

Sa temang ito, nakaka-relate si Marco dahil siya man ay naranasang  ipaglaban at  bitiwan ang isang  relasyon.

Aniya, ang mag-stick o mag-let go sa isang relasyon ay isang desisyon na tanging ang taong umiibig lang ang makakapagsasabi. 

“For me, malalaman mo naman sa sarili mo like, ikaw rin ang makakapagsasabi kung hanggang saan mo siya puwedeng ipaglaban or how long  would you cling to your love para sa taong ito. Actually it depends on everyone, sa iba’t ibang tao. It depends really on every relationship. It’s only you who can say it,” aniya. 

“Hanggang kayang ipaglaban, ipaglalaban mo. May mga obvious signs  naman if you see na hindi na naman puwede. May mga tao namang talagang pipiliting  mag-stick kahit walang wala na talaga. So for me, it’s really depends. It’s the choice of the person,” pahabol niya.

Personally, kaya raw niyang maging martir sa tamang tao.

“Ako for me, kaya kong maging martir at kaya ko ring maging  hindi. Depende kung worth it ba iyong taong ito , to risk everything for this person. May mga tao kasing worth it (ipaglaban)  at may mag tao rin na hindi, so doon siya nagiging dependent . Kung ang taong ito o babaeng ito , sobrang worth it , magpapakamartir ako nang sobra,” esplika niya.

Worth daw na ipaglaban ang isang babae kung nasusuklian din ito ng pagmamahal. 

“Worth it ito kung kaya ka niyang ipaglaban kasi kung ako lang ang lumalaban sa relasyon namin, tapos siya hindi, hindi siya worth it so dapat nagkakaintindihan kayo and you guys, both love each other para masabi mong worth it talaga,” pagtatapos niya.

Ginagampanan ni Marco ang papel ni Dennis, ang best friend ni Gabby (Tony) na naging karamay ng naulilang si Gab (Lovi), nang mamatay sa isang aksidente ang kaibigan.

Bagamat may pag-ibig siya kay Gab, magiging balakid dito ang mga alaala at presensiya ng kanyang best friend sa babaeng minamahal na hirap makapag-move on sa pagkawala ng kanyang fiancé.

Mula sa produksyon ng Viva Films at sa subok na tambalan ng iconic screenwriter-director tandem nina Ricky Lee at Joel Lamangan, palabas na ang pelikula sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Marso 4.

Leave a comment