May 24, 2025
Tony Labrusca not happy with being sex symbol
Latest Articles

Tony Labrusca not happy with being sex symbol

Feb 24, 2020

Napansin at nakitaan ng malaking potensyal ang isa sa hottest young actors of this generation na si Tony Labrusca sa mga pelikulang ML at Double Twisting, Double Back pero sa May-December affair iWant original movie na Glorious umingay ang kanyang career. 

Katunayan, pinag-usapan noon ang kanilang laplapan ng senior actress na kanyang nakapareha sa nasabing digital movie. 

Ngayon, tiyak na pag-uusapan at aabangan na naman ang kanilang maaalab na mga eksena ng Kapuso Primera Aktresa na si Lovi Poe sa pelikulang Hindi Tayo Pwede na palabas na sa Marso 4.

Dahil sa pagiging hunk, hindi maiaalis na ma-identify siya sa mga sexy roles. 

Pero, kung si Tony ang tatanungin, higit sa pagpapa-sexy, mas gusto niyang makilala bilang isang magaling na actor. 

“Sometimes, it’s frustrating when people view you as this sex symbol. Actually, hindi kami ganoon. When we talk on the set (about love scenes), minsan nagkakahiyaan pa kami. That’s not how we look at ourselves,” aniya.

“So sometimes it’s kinda frustrating if that’s the way they view us but at the same time, it’s also a compliment that people think na sexy kami. I’m super grateful naman sa mga tao but I would rather see them seeing the actor part of me doing it,” dugtong niya. 

Hirit pa niya, beautifully done at tastefully executed daw naman ang love scenes nila ni Lovi sa naturang obra ni Joel Lamangan na mula sa panulat ni Ricky Lee. 

Ayaw din daw niyang ikumpara ang intensity ng kanilang love scenes  ni Lovi sa Hindi Tayo Pwede kumpara kay Angel Aquino sa Glorious. 

“First, magkaiba siya especially sa story. Expect something different. Glorious is on a different plane and we had a woman for a director. Then, iba rin naman ang atake rito ni Direk Joel,” paliwanag niya. 

Hirit pa niya, more than the sex scenes, ibinebenta raw ng pelikula ang kuwentong puno ng puso mula sa tambalang Lamangan at Ricky Lee. 

“Yes, the movie has a touch of seconds kasi Lovi and I play friends na naging lovers. When you express your love to somebody so much, kasama iyon pati na iyong lovemaking. How love transcends even in the situation of death. It’s a beautiful story that people will appreciate,” ani Tony. 

Sa Hindi Tayo Pwede, ginagampanan ni Tony ang papel ni Gabby na sinamang-palad na mamatay sa isang aksidente.

Naiwan niya ang kanyang kasintahang si Gab (Lovi Poe) na hirap makalimutan ang kanyang alaala dahil dumadalaw ang kanyang presensiya. 

Ito rin ang tila balakid para tuluyang buksan ni Gab ang kanyang pusong nangugulila para kay Dennis(Marco Gumabao), best friend ni Gabby (Labrusca) at umibig na muli. 

Tampok ang sexiest love triangle nina Lovi, Tony at Marco, palabas na ang hottest romantic drama na ito simula sa Marso 4 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

Leave a comment