May 24, 2025
Rhea Tan praises Carlo as endorser; actor to marry girlfriend soon?
Latest Articles

Rhea Tan praises Carlo as endorser; actor to marry girlfriend soon?

Feb 27, 2020

Si Carlo Aquino ang isa sa endorsers ng Spruce & Dash ng Beautederm.

Isa itong patented line of amazing products na idinibelop at nilikha para sa mga kalalakihan.

Lahat ng mga produkto sa ilalim ng Spruce & Dash men’s line ay FDA notified at kinabibilangan ito ng limang essential products na kailangan ng mga kalalakihan para sa kanilang pang-araw-araw na grooming. 

Nilikha ni Ms. Rhea Anicoche Tan, CEO/President ng Beautederm ang pangalan ng koleksyon base sa basic na kahulugan ng spruce na “neat in dress or appearance” at dash na impetuous with flamboyant vigor and confidence” Na akmang-akma kay Carlo kaya siya ang kinuhang endorser nito.

Ang mga produkto ng Spruce & Dash ay kinabibilangan ng Charcoal Soap, Hugh Shaving Cream, Brawn Anti-Perspirant White Spray for both foot and underarms, Charcoal Charmer Detoxifying Peel-Off at Lad Hair Pomade.

Sa presscon ni Carlo para sa Spruce & Dash noong Lunes, sinabi ni Ms. Rhea, na sagot niya ang kasal ng award-winning actor kung maiisipan na nitong lumagay sa tahimik.

Sobrang mahal niya raw kasi si Carlo, at parang pamilya na ang turing niya rito. 

Nagsimula raw silang maging magkaibigan at naging close, noong nasa appliance store pa lang siya, at wala pang Beautederm.

“Whatever makes you happy, nandito lang sina ate at kuya (asawa ni Ms. Rhea na si Sir Sam),” mensahe ni Ms. Rhea kay Carlo.

Sa sinabi ni Ms. Rhea na sagot niya ang kasal ni Carlo, tinanong tuloy ang binata kung naiisip na ba nitong magpakasal.

“Siyempre, oo,” sagot ni Carlo.

“Siyempre nasa tamang edad na ako, 34 na ako. Titingnan natin sa mga susunod na ano, na buwan, taon.”

Kung sakali ba ay isi-secret din niya ito?

“Hindi naman isi-secret, hindi lang na-inform ang mga tao,” natatawang sabi ni Carlo.

Sa tingin ni Carlo, natagpuan na raw niya ang babaeng pakakasalan, sa katauhan ng girlfriend na si Trina Candaza, na isang model.

“Nag-iba na kasi ang outlook ko sa buhay, mas magaan, happy,” aniya pa.

Isang taon pa  lang ang relasyon nina Carlo at Trina pero sigurado na talaga ang una na ang huli na ang tamang babae para sa kanya. Kaya ito na ang gusto niyang pakasalan.

“Wala naman sa tagal o ikli ‘yan.”

Leave a comment