June 9, 2025
Sylvia not affected by bashers: Hindi pa ba sila pagod?
Latest Articles

Sylvia not affected by bashers: Hindi pa ba sila pagod?

Mar 7, 2020

Tinatawanan lang ni Ms. Sylvia Sanchez ang ilang netizens na patuloy sa pangba-bash sa kanilang pamilya.

Nagsimula ito nang maging malapit ang anak niyang si Arjo Atayde kay Maine Mendoza, na kalaunan ay hindi na naitago ng dalawa ang real score sa kanilang relasyon.

Ayon sa award-winning aktres na si Ms. Sylvia, hindi na niya iniintindi ang ilang bashers dahil ang mahalaga sa kanya talaga ay ang kaligayahan ng anak na si Arjo.

“I-bash man nila ako, tawagin man nila ako nang kung ano-ano, wala akong pakialam. Hindi pa ba sila pagod? Hindi pa rin ba sila sawa? Bahala na sila,” sambit ng Kapamilya aktres.

“Lahat, tinawag na kami ng kung ano-anong mga below the belt. Pero, sige lang kung diyan kayo maligaya, go ahead, sige… magpakaligaya kayo. Basta kami, maligaya talaga.

“Maligaya ako na nakikita ko sina Maine at Arjo na maligaya, iyon ang pinaka-importante sa akin bilang magulang,” esplika pa ni Ms. Sylvia.

Nabanggit din niya kung gaano siya ka-supportive kina Arjo at Maine.

“Oo naman, sumusuporta ako sa kanila at isa pa, mabait si Maine… mabait si Arjo, gusto nila ang isa’t isa.”

Saad pa ni Ms. Sylvia, “Masaya kami dahil kasundo ng buong pamilya si Maine, and si Arjo, kasundo rin ng buong pamilya ni Maine. So, masaya kami and basta ako, happy ako for Maine and Arjo. Kung saan maligaya sina Maine at Arjo, roon ako.”

Nakapanayam namin si Ms. Sylvia sa opening ng Beaute Forever by Beautederm branch sa Star Mall EDSA last week.

Isa si Ms. Sylvia sa BeauteDerm ambassadors na lalong nagpaningning sa naturang event. 

Kasama niya rito ang kapwa BeauteDerm ambassadors na sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Carlo Aquino, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, at Ken Chan. Present din dito sina Korina Sanchez, at ang CEO and owner ng BeauteDerm na si Ms Rhea Tan.

Nagpasalamat naman si Ms. Korina sa BeauteDerm lady boss na si Ms Rhea at mga ambassadors sa naturang event.

“Thank you very much Ms. Rei Tan, I’m very-very proud to be part of the BeauteDerm family. Maraming salamat sa inyong pagmamahal, sa lahat ng mga ambassadors at sa mga may-ari ng mga tindahan ng BeauteDerm.

“Thank you very much to all the superstars in my universe, maraming salamat. Bumaba ang mga tala mula sa langit, thank you very much, I know you are very busy. Nandito po silang lahat dahil lahat kami ay naniniwala na ang BeauteDerm ay the best,” pahayag pa ni Ms. Korina.

Leave a comment