May 24, 2025
Sunshine Cruz recalls the time when she left showbiz
Latest Articles

Sunshine Cruz recalls the time when she left showbiz

Mar 10, 2020

Nawala sa sirkulasyon si Sunshine Cruz noong year 2000 nang magpakasal siya kay Cesar Montano, at para bumuo ng sariling pamilya. 

Nu’ng naghiwalay sila, nagdesisyon ang maganda pa ring aktres na magbalik-showbiz.

Natutuwa naman siya na nakabalik siya, at muling tinangkilik ng publiko. Kaya naman, sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, pinasalamatan niya ang mga tao na nakatulong at nakakatulong para muli siyang makabalik sa limelight.

Narito ang madamdaming Facebook post ni Sunshine.

“I left showbiz year 2000 to focus sa binubuong family. I would have short appearances once in a while. Dapat ‘yung guest lang or mamamatay kaagad ang role (tears with joy emoji) but returned full time sa acting year 2013.”

Malaking bagay para kay Sunshine na magkaron ulit ng trabaho dahil nakakatulong ito sa pagpapalaki niya sa kanyang tatlong anak: sina Angelina, Samantha, at Chesca.

Patuloy niya, “Thankfully, I was given another chance in showbiz since then. I was able to provide for my little children (na ngayon ay malapit na akong abutan dahil ang lalaking bata! (grimacing face emoji).

“Nakakatuwang isipin na kung kelan ako nagka edad, syang pasok ng maraming opportunities and blessings. Kaya lubos-lubos ang aking pasasalamat. I am forever grateful to those who trust me still. 

“I promise to always be a better version of myself. Always thankful sa tiwala, pagmamahal at pagtanggap sa akin ng buong-buo. 

“Hindi lahat ng artista nabibigyan ng another chance but thank God I got mine [heart, praying hands emojis].”

Sa ngayon ay napapanood si Shine sa teleserye ng ABS-CBN 2 na Love Thy Woman, na pinagbibidahan ni Kim Chiu, na gumaganap siya rito bilang si Kai Estrella.

Leave a comment