May 23, 2025
Lotlot, Sandy give updates on Boyet’s health condition
Latest Articles

Lotlot, Sandy give updates on Boyet’s health condition

Mar 19, 2020

FEELENNIAL
Tulad ng alam nating lahat, isa ang aktor na si Christopher de Leon sa mga tinamaan ng sumpa ng COVID-19.

Nitong March 17, Martes, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay inihayag ng Drama King ang kanyang kalagayan.

Ilang sandali lamang matapos ang kanyang announcement ay nagpadala kami ng mensahe (sa pamamagitan ng Facebook messenger) sa anak ni Papa Boyet (tawag ng marami sa aktor) na si Lotlot de Leon na malapit na malapit sa aming puso.

Sa pangungumusta namin sa daddy niya that day, sinabi ni Lotlot na naka-confine na sa ospital ang aktor. 

Hindi na namin ilalagay dito kung saang ospital ito naroroon para na rin sa privacy ni Papa Boyet.

“He’s going to be okay,” sagot sa amin ni Lotlot.

Sinisipon daw ang daddy niya kaya minabuti nitong magpatingin sa

doktor at nag-positibo nga ito sa COVID-19.

Malakas daw at maalaga sa kalusugan ang daddy niya, ayon pa rin Lotlot.

Makalipas ang ilang sandali, nag-message muli sa amin si Lotlot.

“Got to talk to dad na… he’s okay! No fever, just bad colds. Runny nose lang, no other symptoms. But he tested positive [for COVID-19] so he needs to be confined.

“He’s in good spirits. Maybe God wants him to rest lang. He’s been working really hard.”

Miyerkules ng umaga ay ang misis naman ni Papa Boyet na si Ms. Sandy Andolong ang pinadalhan namin ng mensahe para kumustahin ang aktor.

“Thank you, Rommel. No worries colds lang meron siya no other symptoms. Mga seven days lang daw siguro siya sa hospital sabi ng doctors kasi okay naman, hindi serious ang condition niya.

“Malakas pa rin ang resistensiya niya.”

Kinagabihan ay muli kaming nangumusta kay Ms. Sandy.

 “Okay naman. Doctors not worried. Sniffles lang. Masigla naman siya.

“Baka puwede na raw siya i-release mga after a week kasi wala naman nagde-develop na masama.”

Leave a comment