May 23, 2025
Please stop complaining!—Nadia Montenegro
Latest Articles

Please stop complaining!—Nadia Montenegro

Mar 21, 2020

Sa kabila ng matinding takot, maraming nilalang ang matapang na hinarap ang bagsik ng pesteng COVID-19!

Isa na rito ang aktres na si Nadia Montenegro na sa window hours na pinapayagan ang mga tao na lumabas ng bahay para mamili, mas pinili ni Nadia na magdala ng mga pagkain at inumin sa mga pulis at sundalo sa checkpoint area malapit sa kanilang bahay.

March 18, Miyerkules ay nag-post si Nadia ng video at mga larawan kung saan siya, ang kanyang mga anak at isang kasambahay (habang mga naka-mask at nagpa-praktis ng social distancing) ay namahagi ng pantawid-gutom (kanin at ulam) at pamatid-uhaw sa mga maituturing na magigiting na frontliner (bukod sa mga health care at basic needs provider) na mga sundalo at pulis na siyang nagbabantay at naniniguro ng kaligtasan ng mga mamamayan sa panahon ngayon ng kalamidad.

Base sa post ni Nadia sa kanyang personal Facebook page:

“After six days I went out this morning to go to our village grocery. I saw around 10-12 army soldiers and police men outside of our village (Marcos Highway).

“I asked yaya to approach them and ask how many they were. She came back and said ‘Ma’m mga 18-26 po sila tapos 2 shifts.

“Then yaya said, ‘Ma’m naghahati po yung dalawang pulis sa isang pirasong galunggong.

“Not because wala silang budget but because they don’t have the time to cook and prepare [food[ for themselves.

“This broke my heart. I asked why. Hindi daw makapasok rasyon at hindi din sila makapagluto. Then one policeman pointed to us his companion sitting while sleeping. ‘Hinimatay po kanina yan. Hindi kinaya, walang tulog magmula kahapon’. 😢

“So before you COMPLAIN in your comfortable home, with food to spare and your loved ones beside you, please think of these #Frontlinersph doing everything to keep us safe under the heat of the sun; tired, thirsty & hungry.

“The only difference is… we put them last, while they put us first before their families!

Stop complaining! Stop ranting! Stay home!”

Ayon pa kay Nadia, “So instead of complaining, habang nasa loob tayo ng airconditioned natin na bahay, may nakakain, isipin na lang po natin sila na nasa ilalim ng init, hindi pa kumakain, hindi nakikita ang pamilya, just to keep us safe.

“So please stop complaining!”

Sa pagtatapos ng kanyang video ay pinasalamatan rin ni Nadia ang mga maituturing na bayani ng ating bansa ngayong panahon ng matinding krisis.

“Thank you po sa lahat ng ating sundalo, militar, pulis, barangay [officials], doctors, nurses. Salamat po sa lahat ng ginawa nyo para sa amin. God bless us all. Stay home!”    

Huwebes, March 19 ay isa na namang inspiring post ang nasa FB page ni Nadia.

“After posting the video yesterday, as always… God sends angels to other angels to help other angels.

“Someone pledged and asked me (since outside our village lang ang checkpoint) if I could buy bottles of Gatorade and snacks for our frontliners. So early this morning we did what we had to do.”

Ayaw na raw magpabanggit ng naturang “angel” kung sino ito kahit sa mga kakilala at kaibigan ni Nadia.

“She wants to remain anonymous but I’d like to thank her for the trust and for the opportunity to bless someone today! You know who you are! God bless you a thousand folds.

“To our Frontliners…GOD BLESS YOU ALL!

“To God be all the glory!” #Frontlinersph.

Agad-agad na nagtungo si Nadia at ang kanyang kasambahay sa pinalamalapit na grocery store at namili ng Gatorade at mga biskwit at cookies.

Pagkatapos nito ay dumiretso na sila sa mga tent ng mga pulis at sundalo at ipinamahagi ang kanilang pinamili.  

Leave a comment