May 22, 2025
Alden sends message to pubic via IG; Heart donates masks, big cash
Latest Articles

Alden sends message to pubic via IG; Heart donates masks, big cash

Mar 28, 2020

FEELENNIAL
Dahil na rin sa ipinatupad na enhanced community quarantine ng pamahalaan laban sa paglaganap ng COVID-19, kanya-kanyang paraan ng paglilibang ngayon ang buong sambayanan maging ang mga celebrity.

Sa kanyang Instagram post, muling binalikan at ipinasilip ni Magkaagaw star Jeric Gonzales ang kanyang first love na walang iba kung hindi ang pagtugtog ng keyboard.

Tinugtog ng Kapuso hunk actor ang “Song for Brother” ng hit K-drama series na Crash Landing on You (CLOY).

“Jam-jam muna tayo. Let’s stay at home and be safe. Kaya natin ‘to,” ani ni Jeric.

Isa lamang si Jeric sa mga Kapuso stars na na-hook ngayon sa nasabing Korean drama lalo pa at inaabisuhan ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan.

Samantala, pansamantalang pinalitan ng top-rating Kapuso series na Ika-6 Na Utos ang Magkaagaw na mapapanood tuwing hapon pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

*****

Isang public service announcement ang ibinahagi ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa lahat ng kanyang followers para labanan ang banta ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Instagram post, hinikayat ng Kapuso star ang lahat na maging tapat sa kanilang medical at travel history kung kokonsulta sa doktor.

Aniya, “Hinihikayat po tayo ng Department of Health na sana po maging totoo po tayo, maging honest po tayo sa mga tanong, question, at requirements po para malaman natin kung positibo ba tayo o hindi sa COVID-19. Please disclose every travel history, exposure to the virus, kung meron man po kayong nakahalubilo o nakasalamuha na merong sakit, na merong COVID-19, sana po ay ipagbigay-alam po natin ito agad sa mga kinauukulan. Kasi hindi lang po buhay ninyo ang maaaring mailigtas, makakapagligtas pa po kayo ng maraming kababayan natin.”

Ang panawagan na ito ni Alden ay tugon na rin sa pakiusap ng ating mga frontliner na nalalagay ang buhay sa panganib dahil sa maling impormasyon na ibinabahagi ng mga pasiyenteng positibo pala sa COVID-19.

Kaya naman, nakiusap si Alden na mas kailangan nating lahat na maging tapat at maingat lalo sa panahon ngayon na ating kinakaharap.

*****

Tuluy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng mga Kapuso stars sa lahat ng mga apektado ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar.

Nag-donate si Heart Evangelista ng masks at cash sa Twitter user na si SJ Geronimo.

Ayon sa tweet ni SJ (@thetechguy30), “I never expected a nobody like me will get noticed by someone as ms @heart021485. Thank you po from the bottom of our hearts. I will need those masks to protect my family when I go out to get necessities.”

Samantala, nakalikom naman si Myrtle Sarrosa ng Php10,000 mula sa kanyang #HealingHearts Facebook livestream noong March 19 na kanyang idinonate sa GMA Kapuso Foundation.

Si Brent Valdez at ang kanyang mga kaibigan ay nag-donate naman ng Php102,000 worth of in kind and cash donations sa Delpan Sports Complex Street Dwellers and Homeless people of Manila.

Hindi naman kinalimutang pasalamatan ni Pauline Mendoza ang mga sundalong frontliners sa Marikina na kanyang pinadalhan ng mga pagkain.

Ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon, huwag po natin kalimutan ang ating mga kapwa Pinoy na nangangailangan maging ang ating mga frontliners at patuloy po tayong mag-ingat, mga Kapuso!

Leave a comment