May 23, 2025
Sunshine Cruz slams basher for saying she’s “papansin”
Latest Articles

Sunshine Cruz slams basher for saying she’s “papansin”

Apr 6, 2020

Sa Facebook post ni Sunshine Cruz kahapon, April 5, ipinaliwanag at ipinarating niya sa lahat na kailangang mag-exercise para manatiling healthy.

Binanggit niya rin dito, na tumutulong siya sa abot ng kanyang makakaya sa panahon na dumaranas tayo ng krisis sanhi ng Covid 19.

Pero hindi niya na raw pino-post sa kanyang social media accounts ang ginagawa niyang pagtulong.

Kasama rin sa post ng aktres ang screen shot nang sinagot niya ang isa niyang basher na may user name na cyruzmacatangay.

Nag-comment kasi ito sa isang post niya na nag-i-excercise siya. Sabi nito, “Walang natulong puro pakitang gilas halatang papansin lamang. Extend your help un ang kailangan ngaun hindi ung puro pa-curve.”

At ang sagot dito ni Shine, “Lol! I am helping in my own way. Ikaw? Have you done your part? If you are bothered by my posts, then don’t look. Now, if you have done your part, then good.”

Dahil sa basher ni Shine na kinukwestiyon at minamasama ang ginagawa niyang pag-i-exercise, na parang pinapalabas nito na gusto niya lang manatiling sexy, kaya naging dahilan ito para nga mag-post siya sa kanyang Facebook account ng paliwanag tungkol dito.

Narito ang Facebook post ni Sunshine pusblished as is, “It is essential for everyone to stay healthy now that we are obliged to stay at home. 

“Health and wellness is needed especially at this point in time. I’ve been doing my part. 

“Tumulong at patuloy na tumutulong sa abot ng aking makakaya but I’d rather not post on social media nalang sana.

“Sa panahon ng crisis, I hope we can lift each other up rather than focusing on negativity.

“I’m trying to be healthy and trying to influence people and my girls to exercise para hindi lang gadgets ang pinagkakaabalahan kaya wag sana masamain ng iba ang ginagawa ko at pag udyok sa iba na mag-ehersisyo.

“Anyways, samahan ninyo na lang ako mag workout bukas para lumabas ang ating happy hormones at makapagluto, laba, plantsa o walis tayo ng may ngiti sa ating mga labi. 9am tomorrow sa IG live! Stay healthy and be safe family and friends. #goodbvibesOnly.”

Leave a comment