May 23, 2025
Mulat Media recognizes Queen Of Visayan Movies for her contribution to Philippine cinema
Latest Articles

Mulat Media recognizes Queen Of Visayan Movies for her contribution to Philippine cinema

Apr 13, 2020

FEELENNIAL / Column
Naging mapalad kami na bago ang kaguluhan sa mundo dulot ng COVID-19 pandemic ay nasaksihan namin ang isang natatanging parangal na iginawad sa isang maituturing na haligi ng Pelikulang Pilipino, ang Queen Of Visayan Movies na si Ms. Gloria Sevilla.

Ang pagkilala na iginawad kay Tita Gloria ay ang Mulat Achievement Award 2019 mula sa Mulat Media Inc.

Ang nakalagay sa kanyang plake ay:

“Lifetime Achievement Award Presented to Gloria Sevilla (Actress). 

“Our gratitude to the Queen Of Visayan Movies in recognition and heartfelt appreciation of your passion, dedication and extraordinary contribution to Philippine Cinema.”

Dumalo sa espesyal na araw na iyon ang mga anak ni Tita Gloria na sina Lilibeth at Suzette Ranillo, at mga apo ni Tita Gloria na sina Ivan Padilla at Vince Ranillo.

Isinabay din sa awarding ang special screening (na iniayos ng CCP Media Arts Division) ng indie film na Pagbalik.

Ang pag-iimbita ay para rin sa selebrasyon ng ika- 88 na kaarawan ni Tita Gloria (January 24 ang kaarawan ng beteranang aktres).

Ipinagdiwang ito ng Cinemulat, isang programa sa ilalim ng Cultural Center of the Philippines Arthouse Cinema.

Ginanap ang screening sa Tanghalang Manuel Conde at ang espesyal na event ay libre para sa lahat.

Ang Pagbalik ay entry noong nakaraang taon sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino na tumakbo mula September 13 hanggang September 19 sa mga cinemas nationwide.

Bilang si Choleng ay ina si Tita Gloria ni Rica na ginampanan ni Suzette; si Suzette din ang direktor ng Pagbalik (bilang si Maria S. Ranillo).

Samantala, ang Pagbalik ang pinakaunang Visayan movie na napasali sa isang local film festival.

Ang Pagbalik ay magandang kuwento ng tatlong henerasyon ng isang pamilya, tungkol sa tuwa at dusa ng isang OFW (overseas Filipino worker) at ng kanyang  ina at anak, at kung paanong hindi dapat pabayaan ang sinumang miyembro ng pamilya, bata man o matanda.

Kasama rin sa pelikula ang baguhang aktor na si Vince.

Marami ang pumuri sa Pagbalik, lalo na sa mga eksena nila ni Suzette, na tila raw hindi umaarte ang dalawa at napaka-natural bilang mag-ina sa tunay na buhay.

Ang Pagbalik ay produced ng Nuances Entertainment Production at PRO.PRO in cooperation with Wildsound.

“I like the role kasi madaming nangyayari na ganun, na old people need understanding, love, isang yakap lang, ang sarap na,” ang nakangiting wika ni Tita Gloria matapos ang espesyal na birthday screening at awarding para sa kanya.

“Kaya ang mga tao sana, huwag ninyong kalimutan ang matatanda, give them importance.

“That’s our happiness.

“Hindi pera ang happiness, ang pagmamahal ipakita ninyo.

“We feel good, we feel good.”

Umaasa si Tita Gloria na simula na ang Pagbalik para patuloy na mabigyan ng pagkakataon ang mga Visayan movies at hindi lamang tuwing may filmfest.

“Sana, I hope! Na tuwing magkakaroon tayo ng istorya na Visayan movie, I’m very sure mapapasali yan, mga magagandang istorya na may lesson.”

Umaasa rin si Tita Gloria na mas mabigyan ng importansiya dito sa ating sariling bansa ang Filipino films (at Visayan films) kaysa foreign films.

Posible namang mangyari ito, malampasan lamang natin ang COVID-19.

Bukod sa pagiging aktres ay aktibo si Tita Gloria bilang Board Member ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Leave a comment