
Nothing but good words for Vigan Mayor Juan Carlo Medina
Very inspiring ang FB post ng Beautéderm publicist na si Chuck Gomez.
Ito ay may kaugnayan sa magandang lalawigan ng Vigan at ang nangyayaring bayanihan dito sa pamumuno ng alkalde nitong si Mayor Juan Carlo Medina para sugpuin ang Covid 19.
Post ni Chuck sa kanyang FB: “Magandang Balita naman — nakakatuwa ang Bayanihan sa Vigan — sa gitna ng krisis at pangamba may Pagasa — sama sama ang buong Vigan sa maayos at mapayapang paglaban sa covid19 — walang pulitika, walang agenda — malasakit lang sa isa’t-isa.”
“Taimtim na Panalangin ng Vigan ay malagpasan ng Pilipinas at ng buong mundo ang pagsubok na dulot ng covid19 sa Awa at Tulong ng Panginoon. Tularan natin ang Vigan! Magwawagi ang Pagmamahal natin sa isa’t-isa.
Dito’y nag-comment naman si Ms. Rhea Tan: “Yes! Jan ako pinanganak mamshie. Super proud. Napakaganda ng Vigan. Malinis. Mababait mga tao. Disiplinado ❤️🥰 Tara na ! Uwi na tayo ulet! After Covid 😁”
Sa aming short interview sa Beautéderm CEO at president na si Ms. Rhea, nalaman namin na family friend pala nila ang masipag na Mayor ng Vigan.
Mahiyain pala ang 36-year old na mayor ng Vigan. Pero, isa siyang dedicated na public servant.
“Kasi tahimik ang Mayor, pero super work. Yan ang working mayor, hahaha at ayaw ng publicity, actually. Pero sila talaga ang nagwo-work para sa kapakanan ng mga tao.
“Quiet lang si mayor, simpleng tao, pero commendable ang ginagawa niya para sa Vigan,” saad ni Ms. Rhea ukol kay Mayor Medina.
Sadyang sa panahon na ganito ay maraming local officials ang nakikita ng madla ang tunay na galing at tugma sila para tawaging public servant talaga.
Isa na rito ang Vigan Mayor na si Juan Carlo Medina na ang kasipagan at pagiging tunay na public servant ay kapuri-puri.
Incidentally, congrats sa lady boss ng Beautéderm dahil sa matagumpay niyang Luxury For A Cause project.
Narito ang update sa ginawang auction ng mga branded items ni Ms. Rhea na tinawag na Luxury for A Cause:
Sa mga nagbid po at nagbayad kagabi!
Eto na po!! First batch nabili sa #LuxuryForACause
Natin!
400 Pcs PPE Surgical Gowns!
Thank you po God bless!!
Thank you for saying #YestoLove!!
#LetsHelpSaveLives
#WeHealAsOne
#FightCovid19
#ContriBeauT
#Spreadkindness
#MadeForSuperHeroes
Makikita sa post ni Ms. Rhea ang mga biniling PPE surgical gowns na ready na para ipamigay sa frontliners.
Nauna rito, namigay din sila ng mga bigas, canned goods, pagkain, alocohol, at iba pa.
Salamat po Ms. Rhea sa inyong kabutihan at patuloy na pagtulong sa mga frontliners at mga taong nangangailangan ng ayuda.
May God bless you more and your family.