May 24, 2025
KathNiel wants to have beach wedding
Latest Articles

KathNiel wants to have beach wedding

Apr 30, 2020

Sa Magandang Buhay, nakapanayam si Daniel Padilla tungkol sa estado ng relasyon nila ng nobyang si Kathryn Bernardo.

Ayon kay DJ, lalo raw tumatatag ang relationship nila ni Kathryn.

Give and take raw ang sikreto ng kanilang tumitibay na relasyon.

Si Kath din daw ang babaeng nakikita niyang pakakasalan at gustong makapiling habang buhay.

Kasama rin daw sa plano nila ang magkaroon ng dream beach wedding.

Kung may konting bisyo raw sila, ito raw ay ang tumingin ng bahay na magiging pugad ng kanilang pagmamahalan sa hinaharap.

Ikinuwento rin niya na marami ring pagsubok na pinagdaanan ang kanilang relasyon at kung buhay pa ito hanggang ngayon ay dahil pinili nilang mag-stay sa kabila ng mga naging balakid.

25 years na si Daniel (Abril 26) at sa darating na Mayo ay magdiriwang sila ng ikawalong anibersaryo ni Kathryn bilang magdyowa.

Leave a comment