May 23, 2025
Beautéderm goes all-natural
Latest Articles

Beautéderm goes all-natural

May 12, 2020

Opisyal nang inilabas ng bagong produkto ng Beautéderm, ito ang Beauté L’ Tous at Beauté L’ Cheveux, bilang sagot sa demand sa natural beauty movement na mabilis na humuhubog sa multi-billion beauty industry mula pa noong taong 2017.

Mula sa mahigit 40 na brand ambassadors na galing sa mga industriya na tulad ng pelikula, telebisyon, musika, at public service, ang Beautéderm Corporation ay nasa forefront ng local beauty industry ng higit isang dekada na, bilang isang pinagkakatiwalaang brand ng maraming beauty aficionados, hindi lang sa Pilipinas pero sa buong mundo rin.

Pangungunahan ang launching ng mga bagong produktong ito ng Face of Beautéderm na si Ms. Sylvia Sanchez. 

Kasama ng award-winning actress ang mga kapatid sa Beautéderm family na sina Gabby Concepcion, Glydel Mercado, at Tonton Gutierrez.

Bunga ng layunin na makagawa ng ligtas at epektibong produkto, ang kompanya ay opisyal na inilulungsad ang bagong line of natural beauty products sa pangunguna ng President at CEO nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Ipinahayag ni Ms. Rhea ang kanyang excitement sa Beautéderm’s newest line.

Saad ng lady boss ng Beautéderm, “We’ve put in a lot of hard work over the past year to develop a line of serious skin care without harsh chemicals that delivers the best and most visible results without compromising safety. We wanted to use only the most powerful ingredients to produce results exceeding the quality and effectiveness of synthetic mainstream products. We finally did it!”

Base sa masusing pag-aaral, tinatayang 60% ng ipinapahid or ina-apply sa ating balat ay naa-absorb ng ating katawan. Ito ay nangangahulugan na ang cosmetics-loving individuals ay maaaring makakuha ng taunang absorption rate na 5 lbs. na katumbas ng kemikal sa kanilang mga katawan.

Samakatuwid, nararapat para sa end users na lumipat sa paggamit ng natural beauty products tulad ng mga inilunsad ng Beautèderm.

Ang Beaute L’ Tous ay isang natural whitening hand and body lotion na ligtas gamitin ng lahat at madaling ibulsa o ilagay sa bag.

Ito rin ay isang paborito ng mga mamimili, habang ang Beaute L’ Cheveux ay isang natural hair oil na mabilis gumagana para maayos ang buhok nang walang bigat ng synthetic silicone.

Ang proseso na ginamit sa paggawa ng mga produktong ito ay nagpapakita kung paanong ang isang natural beauty product na ito ng Beautéderm Corporation ay tunay na game changer sa beauty industry.

“As we use only the most powerful and effective natural ingredients, our main consideration is to respect their integrity during the manufacturing process. As such, we only use Cold Process Manufacturing so as to preserve the potency of our natural active ingredients,” esplika pa ni Ms. Rhea.

Matatandaang last February ay nagkaroon ng launching ng bagong produkto ang Beautéderm.

Ito ang Spruce & Dash na FDA Notified, kabilang dito ang Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade.

Maliban sa Beauté L’ Tous at Beauté L’ Cheveux, ang Beautéderm Corporation ay naghahanda na sa paglungsad ng iba pang exciting natural beauty products sa mga susunod na mga buwan.

Para sa iba pang information and updates, follow @beautédermcorporation on Instagram and like Beautéderm Corporation of Facebook.

Leave a comment