May 24, 2025
RN Pancho Magno to help pregnant wife Max Collins give birth
Latest Articles

RN Pancho Magno to help pregnant wife Max Collins give birth

May 15, 2020

Kung kinakailangan, hindi magdadalawang isip si Pancho Magno na siya mismo ang magpaanak sa misis niyang si Max Collins!

Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Max ngayon ang una nilang anak (na lalaki) ni Pancho, at kabuwanan ni Max sa July.

At alam naman nating lahat na kakaiba ang sitwasyon ng lahat ng tao ngayon dahil sa panganib ng COVID-19, halos lahat ay nasa loob lamang ng bahay, kaya si Max ay sa bahay nila manganganak.

Mabuti na lamang at si Pancho, bukod sa pagiging isang Kapuso actor, ay isa ring registered nurse!

“Pero siyempre, asawa mo, parang ang hirap lang, pero siyempre , kakayanin mo naman lahat,” sinabi ni Pancho.

Halimbawang manganganak na si Max at nasa biyahe pa ang midwife ni Max at nata-traffic, although wala namang traffic sa panahon ng pandemic dahil lahat ay nasa ilalim ng iba-ibang level ng quarantine, kapag walang choice ay si Pancho ang magpapaanak sa misis niya.

“Kaya naman, kaya naman. Siyempre yung kaba talaga hindi mawawala.”

Naranasan na ni Pancho na magpaanak noong pinapraktis pa niya ang pagiging nurse.

“Honestly, as a nurse, na-experience kong magpaanak e, ilang beses. “Nakita ko kung paano… nag-administer ako ng gamot sa baby.

“Nag-lying in ako, e, so nakita ko first-hand yung mga ‘yun kung paano lumabas yung mga baby, which is sobrang nakaka-proud.

“Sa lahat ng moms, I mean I’m super proud kung paano nyo nagagawa yun.”

Inamin ni Pancho na noong una ay kabado siya sa panganganak ni Max sa bahay.

 “Yung una talaga medyo nakakatakot, siyempre, di ba, sobrang delicate ng baby, e.

“Kailangan kumpleto ka sa gamit as much as possible, e. Pero sabi naman nila, kailangan namin to take, like yung mga exercise and how to position the baby.”

Ayon pa kay Pancho, sila ni Max ang nagdesisyon na sa bahay manganak ang kanyang miss.

Sinabi pa raw niya kay Max na:

“Kung saan ka mas relaxed.

“Kasi at the end of the day it’s your body so you have the right for these decisions, e, kung saan mo gusto.

“So sabi ko, ‘Yeah, kung saan ka mas relaxed then. Yun naman yung point, e.'”

At sa panahon ngayon ng pandemya mas may advantage ang sa bahay magsilang.

“Kasi sa hospital, maraming rules doon, e, alam mo naman.

“Pero pag nasa bahay ka, puwede kang manood ng Netflix habang nanganganak ka, e.

“Puwede ka mag-play ng kahit anong gusto mong song, puwede kang kumain ng gusto mong kainin.”

At dahil nga nurse naman si Pancho, alam niya ang gagawin anuman ang maging sitwasyon.

Pero may mga precaution rin sila kung sakaling magka-emergency ang panganganak ni Max.

“Kailangan pa rin namin ng hospital na malapit sa house namin.

“Kilala ng midwife namin yung mga doctors dun, OB-GYN na nandun. 

Kailangan maging ready lang kami sa lahat,” pahayag pa ni Pancho.

Nakapanayam namin ang mag-asawang Max at Pancho nitong Martes, May 12 sa pamamagitan ng Zoom.

Leave a comment