
Megan Young says her husband Mikael Daez is more romantic: Ako naman ‘yung parang chill lang
Ano ang pinakamatinding kayang gawin ni Megan Young dahil sa pag-ibig?
Ito ba ay ang matibay na pagmamahal niya kay Mikael at pagtanggi sa mga milyonaryong manliligaw niya noong kapapanalo pa lamang niya ng Miss World noong 2013?
“Wala namang ganun,” bulalas ni Megan.
Walang mga milyonaryo o powerful na nanligaw sa kanya noong maging Miss World siya.
“You know why? ‘Coz you don’t let it reach that point.
“Kasi pag may kunyari may parang lumandi ng konti, siyempre hindi mo naman ie-entertain yun.”
Binabara na niya agad kapag may ganoon.
“And lagi kong sinasabi, ‘Yeah my boyfriend and I…’
“Lagi akong, ‘Yeah, my boyfriend and I we love to travel.’
Pero ano nga ang nagawa na ni Megan na matindi para sa pag-ibig?
“I think Mikael’s more romantic than I, honestly. Siya talaga yung romantic, siya talaga. Ako naman yung parang chill lang.
“Pero one thing that parang I can always promise Mik is I’ll always be loyal to him. Always.
“And I’ll always be honest, iyon talaga. I may not be as crazy or as parang like, out-of-this world, ano’ng gagawin mo para sa pag-ibig?
“Sa akin simple lang, pero alam ko na it means a lot.”
Tulad ng alam ng lahat, ikinasal na sina Megan at Mikael, not once but twice, early this year! Una ay sa Nasugbu, Batangas noong January 10, at sa Subic naman ng January 25.
Samantala, bida si Megan at leading man niya si Benjamin Alves sa Magpakailanman ngayong gabi sa nakakakilabot na episode na “Sumpa ng Kalendaryo” sa GMA.
Hango ito sa kuwento ng relihiyosong mag-asawa na sina Sonya at Ronnie na bibigyang buhay ng mga Kapuso actor na sina Megan at Benjamin.
Tampok din ang Kapuso stars na sina Rob Moya as Father Pepe at Rosemarie Sarita as Mama Cristy.
Sa direksyon ni Jorron Monroy, sa pananaliksik ni Rodney Junio at sa panulat ni Vienuel Ello.