
Kathryn’s dad recalls sacrifices for family; actress turns emotional
Kathryn Bernardo interviewed her father Teodore Bernardo in her latest Youtube vlog.
“Sinakripisyo ko unang-una lahat ng investment namin, hanapbuhay, pinagkakakitaan, lahat ng properties namin nasa Nueva Ecija, nasa probinsya. Nong natype-an ni Kathryn ang showbiz, six years old, then sabi niya ibili ko siya ng bahay so sinakripisyo ko ‘yung ibang investment para maging cash at mabili ng bahay kasi sabi naman niya, ‘Pagkumikita na ako, papalitan ko ‘yang bahay mo,” Kathryn’s dad shared.
He added, “Kaya ito nandito kami sa bahay na binili niya. Ito na ‘yung kapalit pero hindi ko naman inaasahan ‘yun kasi support lang. May bahay naman ako sa probinsya so okay na sa akin ‘yun so ayan binili mo ‘yan, sa’yo yan.”
Kath’s papa further shared, “Ang pangalawang sakripisyo ‘yung hinayaan ko kayo na nandito lang sa Maynila. Hindi naman hinayaan as in pinabayaan. Hindi ko talaga maiwan ‘yung Cabanatuan. Nandoon ‘yung mga properties, ‘yung mga business. Nandito kayong lahat sa Manila, nandoon lang ako mag-isa. Parang pinagpalit ako ng mama mo, pinagpalit niyo akong mga anak ko sa mga kagustuhan niyo. Kasi ‘yung mga anak kong iba nag-aaral naman dito sa Manila.”
His dream for his family, Teodore said, “Dream ko lang naman para sa pamilya ko, maski hindi masyadong mayaman. Hindi tungkol sa pera. Basta ang importante, ma-satisfy ka. Kasi pag na-satisfy ka na sa sarili mo, happy ka na. Iyon ang importante: ang maging happy ka lang sa buhay.”