
Priority ko ay ‘yung asawa ko—Sarah G
Aminado si Sarah Geronimo na sa ngayon ay naninibago at marami siyang adjustments na pinagdadaanan bilang isang Mrs. Matteo Guidicelli.
Ayon nga sa Pop Princess, isa itong bagong yugto ng buhay niya kung saan buong puso niyang tinatanggap at ine-enjoy.
Ito ang naging pahayag ni Sarah sa nakaraang ekslusibong interview sa kanya ni Issa Litton sa launching ng Pop Princess bilang endorser ng Fern -C sa pamamagitan ng isang virtual zoom media presscon nung nakaraang July 27.
“Masarap, masaya, nakakapanibago, may mga adjustments na kailangang gawin, of course may asawa na tayo. Last Saturday I celebrated my 32nd birthday, itong maging bahagi ng Fern C family ay kino-consider ko na blessing sa akin. ‘Di lang sa trabaho na binigay sa akin, ‘di lang sa tiwala kungdi sa panahon natin ngayon na may krisis tayong hinaharap, may nilalabanan tayong virus, so importante ‘yung immunity natin. Napaka-timely, napaka-relevant ng ineendorso ko na produkto ay Vit. C.”
Tinanong din si Sarah kung anu-ano ba ang mga prayoridad niya sa ngayon na may-asawa na siya.
“Siyempre may asawa na tayo, priority ko ay yung asawa ko. Siyempre di lang yung health, I am also giving importance sa mga tao sa paligid ko. Importante kasi yun especially pag may inuuwian ka, pag may pamilya kang inuuwian. Importante na healthy ka so you better protect them if you yourself is protected.”
Ayon nga kay Sarah, sa kabila ng pandemiya sa ngayon dahil sa covid-19 virus, marami siyang natutuhang mas pahalagahan sa ngayon.
“Of course the gift of life, yung pag-acknowledge, yung gratitide, na everyday you acknowledge lalong-lalo na sa mga nangyayari ngayon. Tomorrow is not promise, pinasasalamatan mo nang husto yung buhay na binigay sa iyo ng Panginoon. Also for the life of your loved ones, I draw inspiration from that. Also yung trabaho, aminin naman natin na sa pandemic na mayroon tayo ngayon, sa na-experience natin sa buomg mundo. Yung trabaho, marami ang nawawalan ng trabaho so lalo kong pinahahalagahan yung opportunities na binibigay sa akin kasi di lahat nabibigyan ng trabaho.”
Isa nga sa trabahong naipagkaloob ngayon kay Sarah ay bilang bagong endorser ng Fern-C. Siniguro naman ng singer/actress na may mga safety protocols silang sinunod sa naturang commercial shoot.
“Yes yung shoot namin went well, smooth naman lahat. We made sure na we follow the protocols. Nagkaroon ng mga adjustments, everyone wear protective gears, face mask, face shields and may thorough sanitation. Everyone felt safe naman and rest assured na everyone was safe during the shoot.”