May 23, 2025
Sheree’s art in the times of the coronavirus
Latest Articles

Sheree’s art in the times of the coronavirus

Aug 12, 2020

Kilala si Sheree sa kanyang sexy image sa mundo ng showbiz, ngunit bukod dito’y multi-talented ang mo­renang aktres dahil siya ay isa ring singer, composer, DJ, pole dancer, at painter.

September of last year ay pinangunahan niya ang show na Musika at Sining With Shree Bautista na ginanap sa D’ Haven 58-02 37th Ave., Woodside, New York 11377.

Dito’y magkahalong entertainment at art exhibit ang natunghayan, kasama na ang ilang paintings na gawa mismo ni Sheree.

Sa gitna ng pandemic na dulot ng Covid19, mas nagagamit ngayon ng aktres ang kanyang pagigng painter.

“Painter po ako, more than ten years na akong nagpe-paint. Nakapag-exhibit na po ako sa iba-ibang bansa,” panimulang pahayag ni Sheree.

Wika pa niya, “Actually, pangarap ko talagang mag-Fine Arts, kaso ang mommy ko, ang gusto ay maging nurse ako or other course. Hindi ko na-pursue iyon, kaya ang ginawa ko ay kumuha ako ng teacher from UP na sobrang galing talaga, si Art dela Cruz.”

Ano ang satisfaction na nakukuha niya sa pagpe-paint?

Tugon ng dating member ng Viva Hot Babe, “Nakakawala siya ng stress and nakaka-produce ng happy hormones, plus nae-express ko yung self ko through colors, nakakapagkuwento ako with my art, eh.

“It’s something na artist ang nagkukuwento, tapos icha-channel ko sa tao. Parang yung paggawa ng kanta rin po.”

Nabanggit din ni Sheree na itinuturing niyang lucky paintings ang kanyang mga Koi series.

Aniya, “Ang pinakamasuwerte sa work na nagawa ko is yung “9 lucky koi.” It brings luck sa clients ko and at the same time sa sarili ko.

“Iyong paintings ko, iba-iba siya, I customise it according sa needs ng client. I let them write nine aspects in life na wish nilang to have or makamit and I use the colors and composition ng artwork ko, base rito. And actually po, pinapa-feng shui ko pa po ito.”

Nag-eenjoy ba siya sa pagpe-paint?

“To answer your question, yes, nag-eenjoy ako nang sobra and happy po ako. Happy po ako kapag nase-share ko po yung energy ko through my talent which is painting, para roon sa client ko.

“So masaya po ako kapag sinasabi nila, ‘pag naririnig ko na sinasabi nila na sinesuwerte sila simula nang nabili nila yung Koi painting ko. Masaya akong pakinggan yun dahil alam kong nacha-channel ko sa kanila yung positive energy while nagpe-paint ako.”

Dagdag pa niya, “So, kapag nasa bad mood ako or may sakit ako or I’m not feeling well, hindi ako nagpipinta.

“It really takes time for me to paint those paintings para maibigay ko yung best ko at yung positive energy ko roon sa painting, para naman yun din po ang energy na maibibigay ko roon sa mga clients na bibili ng artwork ko.”

Aminado rin ang aktres na malaking tulong din ang paintings niya financially, lalo na ngayong may pandemic at walang mga taping at shooting.

“Malaki po ang naitulong ng mga painting ko mentally and emotionally and kahit paano sa awa ni Lord mayroon naman po (financially). Nakaka-help na rin sa akin and sa mga close na tao, na walang work talaga for now. Not much, pero at least mayroon.

“Kaya thankful ako kay God sa blessings at sa mga tao na nagtitiwala sa akin and sa work ko,” sambit pa ng seksing-seksi at talented na si Sheree.

Leave a comment